THE GIRL HE TOLD ME NOT TO WORRY ABOUT

54 3 0
                                    

THE GIRL HE TOLD ME NOT TO WORRY ABOUT

"Baby look" I looked at his direction at nakita kong nilalahad n'ya saakin ang phone n'ya. Kaya tumayo ako at tumabi sakanya.

"Anong meron? " tanong ko.

"Basahin mo, Look nag confessed s'ya saakin" napatango ako sa sinabi nito. Kahit nagseselos ako ay hindi ko ipinahalata kasi ayaw kong pagtalunan namin. Binasa ko ito at nasabi ko nalang sa isip ko na 'what a flirt', alam na kasing may girlfriend ang tao tapos she's being clingy to my man.

"What do you think? " he said. Napalunok ako bago sumagot.

"Nice. Sana all? " I really don't know what to say. I'm jealous, feel ko pinipiga ang puso ko but I pretend that I'm okay.

"Uhm. She's just my friend. Besides alam n'ya girlfriend kita" alam n'ya pala pero bakit ganoon parin s'ya.

"And ikaw lang ang mahal ko" mahal...

"Don't be jealous okay? She just confessed and sabi n'ya hindi n'ya raw ako titigilan. Kaibigan lang ang tingin ko sakanya. Wala ng iba kasi ikaw lang ang mahal ko" hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa babaeng 'yun.

Ang desperada lahat gagawa para masira ang isang relasyon. Gagawa ng paraan para masira kami, the way she chatted my man... I saw her as a threat also a flirt.

"Baby" I called him, it's ready 12:00am at hindi parin s'ya natutulog kasi nagcecellphone pa ito. I heaved a sigh.

"It's getting late. Matulog kana" I uttered. Tumingin lang ito saakin saglit at nagfocus ulit sa cellphone n'ya.

"I badly want to sleep baby, but Heidi my friend didn't let me. Nagshashare s'ya ng problems n'ya at I want to comfort her as a friend" pilit nalang akong ngumiti at nagtango tango kahit hindi n'ya ako nakikita.

'Right. A friend' usal ko sa isip ko.

"Kumain kana ba? " tanong ko saiyo habang nag-aayos ako ng lamesa. Tinignan kita at parang tuliro ka, you're being weird.

"A-ah oo. Ikaw? Kain kana, late na," usal mo.  napatango nalang ako. Hindi ko maiwasang hindi mag-overthink, but kinumbinsi ko ang sarili ko dahil may tiwala ako sa kanya.

"Baby look. She's saying something." Lumapit ako sakanya at binasa ang convo nila. As usual, 'yung babaeng friend n'ya raw kuno 'yun.

"She said na napepredict n'ya raw ang nangyayari in the future. Goosebumps kasi sinabi n'ya na may malalaman daw ako na ikasasakit ko. Sa relationship natin." Dahil sa narinig at nabasa ko biglang umakyat 'yung dugo ko sa ulo ko.

"Tangina?" hindi makapaniwalang usal ko.

"What do you think? Totoo ba sinasabi niya? " bis na sumagot ay nanahimik nalang muna ako. Gusto kong magmura ng magmura at sugurin 'yung babaeng 'yun but... Shit. What is her purpose? Bakit n'ya binibilog ang ulo ng boyfriend ko.

"Napepredict ko rin na kukunin na s'ya ni Lord, kidding" nakita ko ang pagkunot ng noo nito kaya nagsalita ulit ako. Galit ata, tsk.

"H'wag kang bumabase sa iba. Words can easily deceived. Just trust me, not your FRIEND" narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito, tila hindi sang-ayon sa sinabi ko. What the hell?

"She's just my friend okay? Hayaan na s'ya. Focus nalang tayo sa isa't isa" talaga ba? 'E parang sakanya ka nga naka focus. Kumuha nalang ako ng makakain ko at nagsimula ng kumain habang s'ya sa busy sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

"Tsk."

"I'm breaking up with you," agad na usal ko. I saw how happy he is while talking to her FRIEND. I don't want to be the hindrance of his happiness.

One Shot Stories CompilationHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin