DOORBELL

131 7 0
                                    

"Huy Ciari ikaw naman mag door bell" sabi saakin ni Nalie.

"a-ayaw ko" utal na saad ko. Kanina pa kasi nila ako pinipilit ng mag door bell sa hindi naman alam kung sino ang may-ari ng bahay na iyon.

"Ang KJ mo naman ikaw na nga lang Samantha" sabi nito at inirapan ako kaya napabuntong hininha nalang ako.

(Day 2)

"uy dali ikaw naman kahapon ayaw mo e" sabi nanaman ni Nalie.

"ihh ayaw ko nga kinakabahan nga ako" sabi ko.

"dali naaa" sabi ni Sam at tinutulak tulak ako papunta sa tapat ng gate na may doorbell.

"a-aww" daing ko.

"go go isang doorbell lang" sabi nila at ako eto nakatayo sa harapan ng malaking kulay blue na gate.

Huminga ako ng malalim bago ako dahan dahang nag door bell at pag ka doorbell ko narinig ko ang mga tahulan ng mga aso kaya agad ako naistatwa sa kinatatayuan ko.

"psst takbo na Ciari dalii" sigaw nila pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa biglang bumukas ang malaking gate.

"Nice to see you here" rinig kong sabi ng isang lalaki kaya natulala ako dahil napakagwapo nito at talagang mag lalaway ka.

"s-sorry" sabi ko at lumingon sa pinagtataguaan nila Nalie ngunit wala na sila doon, iniwan na nila ako. Patay.

"a-aalis nako" sabi ko at tumalikod ng dahan dahan.

"inantay kita ng kaytagal para mag doorbell ka sa amin tapos iiwan molang ako rito? " saad nito kaya napaharap ako

"h-ha? " tanong ko

"matagal na kitang kilala Ciari, inantay kitang mag doorbell dito sa bahay para makausap kita at planado namin ito ni Nalie" sabi nito kaya nagulat ako.

"Nalie, Sam labas na dyan" sabi nito at nakita ko sila Samantha na nakangisi at parang nang-aasar yung mga mukha.

"b-bakit? "tanong ko.

"Ciari Mahal kita kahit hindi mona ako naaalala " sabi nito na tila napakalungkot niya.

"naaalala? Kilala ba kita? " tanong ko

"siya ang lalaking nagligtas sayo Ciari. Siya ang Nobyo mo" sabi ni Samantha kaya nagulat ako sa nalaman ko.

"a-ako?" gulat na tanong ko.

"oo Ciari inantay kita ng kaytagal ngunit ayaw akong palapitin ng magulang mo sa iyo...dahil natatakot silang mabigla ka. Mahal na mahal kita Ciari"

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now