Kababalaghan sa Hospital

183 13 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa hospital dahil sa sakit ko. Mag-isa lang ako dito ngayon at gabi na. Nag po-pop sa utak ko yung mga kababalaghang napapanood ko dati pero dahil lalaki ako kailangan kong tatagan ang loob ko.

Habang nag cecellphone ako ay biglang nagpatay bukas yung ilaw dito kaya agad nagising yung diwa kong inaantok na. It's already 2:57am hindi pa ako makatulog dahil may insomnia ako.

Pinagsawalang bahala ko yung nangyari pero umulit ulit sa pagkakataong ito sunod sunod na kaya pumikit ako ng mariin at binuksan uli ang aking mata.

Habang tumatagal ay parang ang pag bukas at pagpatay ng ilaw ay parang kanta na. Ewan ko kung paano ko naisip yun pero parang loveshot yung pag blink blink ng ilaw.

"Hoy multo favorite mo yung loveshot noh? " tanong ko. Nababaliw na ata ako pero hindi siya sumagot.

"Ganito. Kapag double blink ung ilaw means yes, kapag isa lang no yun okay? " nababaliw na talaga ako.

"So? Fav. mo yun? " tanong ko at biglang nag double blink yung ilaw. So? Fav. n'ya nga?

"Bakit ka narito gabi na ha? By the way may Jowa ka naman?" tanong ko. Biglang nag blink ung ilaw ng isang beses so? Wala.

"Gwapo ba ako? " tanong ko at nag pa cute sa ere kahit hindi ko alam kung nasaa s'ya. Nag blink ng dalawang beses yung ilaw na ibigsabihin ay 'oo'.

"Ayiiee baka mainlove ka sakin ah" saad ko at biglang umuga yung kama ko.

"Hala uy kinikilig ka noh?ikaw na multo ka harot harot joke hahaha" sabi ko at tumawa.

"Sige na magpapahinga na ako." Saad ko at pinatay ang phone ko pero biglang lumutang ang cp ko at pumunta ng kusa sa notepad. Nasa harap ko mismo ang phone ko nakatapat.

'Mag-ingat ka lagi patay man ako babantayan parin kita kahit hindi mo'ko kilala. Magpahinga kana hihi gwapo mo crush na kita yiieeeeeut harot'

Basa ko kaya napailing nalang.

"Salamat Ms.Ghost" sabi ko at pumikit na nang nakangiti at inisip na... 'Hayst ang gwapo ko talaga'.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon