I SAW YOU

96 6 1
                                    

I SAW YOU.
—FELICITY MOON

Ilang araw nang absent ang kaklase kong si Claude kahit hindi kami close syempre nag-aalala parin kami bilang kaklase n'ya.

"Claude Sarbote? " tanong ni Maam.

"Absent po"
"Absent nanaman? "
"Wala po Maam"

Maraming bulungan ang naririnig dahil panay na ang absent nito. Si Claude ay matalinong tao at inaasahan ng section namin kaya siguro ganun ang trato sa kanya dito.

***
Pauwi ako ngayon ng makita ko si Claude sa labas ng Motel? Wait si  Claude ba 'yun?

Akmang lalapitan ko s'ya pero agad silang pumasok doon kaya napahinto nalang ako.

"S'ya kaya 'yun? " bulong ko at nag isip isip.

Kung s'ya 'yun sino ang kasama n'ya?  Pero kilala namin si Claude sa pagiging tahimik at hindi lapitin ng lalaki at kung mayroon man ay ang tropa n'ya lang. Siguro guni-guni ko lang 'yun.

**

"Claude Sarbote? " tanong ni Maam. Dahil nag aattendance ito.

"Present Maam" mahinang saad nito at pinagtinginan s'ya. Tinignan ko s'ya ang gwapo at ang tahimik nito.

Nang mag recess na ay nilapitan ko s'ya. Kaunti nalang ang natira dito saamin sa room dahil nasa cafeteria na ang iba.

"Claude? Hi" panimula ko.

"H-hello" utal na saad nito. Kaya dineretso kona s'ya

"Nakita kita kagabi sa Motel" saad ko. Hindi ko sigurado kung s'ya 'yun pero hinuhuli ko muna s'ya at kung hindi manghihingi ako g sorry sa pagbibintang.

"H-huh? " tanong nito.

"Outside the Motel with a Gay" then he stunned.

Nagsimulang mangilid ang luha n'ya sa mga mata kaya alam kona agad ang kasagutan.

"P-pwede bang h'wag mong ipagkalat? Kailangan ko lang talaga ng p-pambayad sa tuition at sa gamot ng n-nanay ko kaya ko n-nagawa 'yun" then he started to cry infront of me.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now