WEIRD?

154 12 1
                                    

WEIRD?
🖋 Felicity Moon.

"Hi crush. " type ko sa keyboard ko at sinend ito kay Harold.

"Low" basa ko sa maikling reply nito.

"Sungit, pero salamat kasi nagreply ka hihihi" kinikilig na type ko at agad na sinend sa kanya pero sineen lang ako.

"Sabi ko na nga ba may pagtingin ka saakin crush e" sabi ko sa kanya. Ilang minuto ako nag-antay ng reply n'ya.

"Ok" sagot nito. Ha? Ano raw ok?

"Anlayo mo naman crush sumagot. " sabi ko at sinend uli sa kanya.

"Bakit ako sasagot nanliligaw kaba? " chat nito saakin. Hala baliw? Kinikilig ako peste hahaha.

"Aguy. Crush mo rin ako noh? " kinikilig ako habang nagtatype

"Hindi. Mahal kasi kita. " basa ko pero hindi ko nagets. Ilang segundo bago nagsink sa utak ko ang sinabi nito.

"OMAYGASSSHHHH" sigaw ko at nagtatatalon sa kama. Pero napatigil ako ng may narinig akong nagsalita.

"Hoy, ang galing enjoy na enjoy tumalon? Ang bigat mo kaya" rinig ko kung saan kaya napatigil ako sa pagtalon at tumalon pababa sa kama.

"Arayyy ano ba pwede namang bumaba ng dahan dahan diba? " rinig ko uli kaya natakot na ako.

"MAMAAAA" sigaw ko dahil natatakot na ako.

"Ano ba'yan ang ingay mo. Pinto h'wag mong palalabasin yan" narinig ko uli kaya napatingin ako sa pinto at nakita kong nakangisi ito??? Wait nakangisi?

"MAMAAAA HUHUHU" sigaw ko dahil sa takot. Ang weird bakit ganito?

" ang harot harot mo imbis na linisin mo kami. 'Yan ang mapapala mo" napatingin ako sa kama ng magsalita ito.

"Hindi na. Hindi na'ko haharot tigilan n'yo lang ako. " pagmamakaawa ko.

"Siguraduhin mo." sabi nung kumot at naging normal ang lahat kaya nakahinga ako ng maluwag.

*TING*

tunog ng messenger ko at nakita kong nagmessage si Harold OMG.

"Iloveyou" basa ko sa chat nito.

"OMAYGAAAAADDDDDD" sigaw ko uli dahil sa kilig pero napatigil ulit ako ng makita ang mga gamit ko na ang sasama ng tingin saakin.

"Patay. "

*

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now