Looks.

91 8 0
                                    

Girl: Maganda siya.
Boy: Ha? Sino?
Girl: Yong kausap mo kanina.
Boy: Ah, si Athena?
Girl: Oo.
Boy: Haha! Sadyang maalaga lang sa katawan 'yon.
Girl: Tangkad din niya.
Boy: Beauty queen daw nanay nun.
Girl: Maputi siya.
Boy: Oo nga eh, parang espasol. Pfft.
Girl: Ang ganda rin ng buhok niya.
Boy: Balita ko linggo-linggo nagpapasalon 'yon.
Girl: Ang pula ng labi niya.
Boy: Nakalipstick eh.
Girl: Ang ganda ng mata niya.
Boy: Naka-contact lens siya.
Girl: Bakit ang dami mong alam tungkol sa kanya?!
Boy: (Napakamot ng ulo) Wala lang. Inalam ko lang kung ano bang pinagseselosan mo sa kanya.
Girl: Nasabi ko na! Kumpara sa kanya. Walang-wala ako. (Napayuko)
Boy: (Nilapitan si Girl at hinawakan ang chin tapos iniangat) Kumpara sayo? (Smiles) Walang-wala siya.
Girl: (Sumimangot) Sinungaling. Aminin mo, nagagandahan ka rin sa kanya tulad ng iba? no?
Boy: Oo naman! Maganda siya eh.
Girl: (Masamang tiningnan si Boy)
Boy: Pero mas maganda ka. Hahaha. Malas na lang ng ibang lalaki at akin ka na.
Girl: (Namula) Paano mo naman nasabi?
Boy: Syempre, hindi ka nag me makeup, wala kang chechebureche sa katawan, higit sa lahat. Nasa'yo ako. Ano pa bang pinagseselos mo d'yan?
Girl: Pangit ako.
Boy: (nagsalubong ang kilay) Sino nagsabi niyan?
Girl: Bakit susuntukin mo?
Boy: Hindi...
Girl: Tss. Ako nagsabi, bakit?
Boy: (Ngumiti at lumapit sa tenga ni Girl) Hahalikan ko. (Sabay smack sa lips ni Girl)
Girl: (O///O)
Boy: (Niyakap si Girl)
Girl: (Napakurap)
Boy: Hindi sa lahat ng bagay, mukha ang basehan. Mas maganda man siya, ikaw naman, nag-iisa lang, na minamahal ko. Wala ng iba.©

One Shot Stories Compilationحيث تعيش القصص. اكتشف الآن