Untitled ulit

35 0 0
                                    

Boy:...

Girl: Uy, galit ka pa rin ba?

Boy: Sa tingin mo?

Girl: Sorry na nga kasi, hindi ko naman talaga sinadya.

Boy: Tss.

Girl: Promise sa susunod, hindi ko na isa-silent.

Boy: Ewan ko sayo, wag mo kong kausapin.

Girl: Sorry na nga kasi.

Boy: Ikaw pa talaga galit.

Girl: Eh hindi ko naman talaga sinasadya.

Boy: Hindi mo sinasadya pero lagi mong ginagawa.

Girl: Hindi na nga mauulit.

Boy: Ewan, I'm tired of this.

Girl:...

Boy:...

Girl: Mag-aaway na naman ba tayo?

Boy:...

Girl: Oo na, kasalanan ko na.

Boy: Kasalanan mo naman talaga.

Girl: Hindi ko na talaga uulitin.

Boy: And then what? Papalipasin mo lang ng ilang araw tas gagawin mo ulit?

Girl: Promise hindi na talaga.

Boy: Stop making promises! Wag ka na kasing mangako, gawin mo na lang.

Girl: Wag ka na kasing magalit.

Boy: Nagagalit ako kasi nag-aalala ako. Late night tatawagan ako ni Tita wala ka pa rin sa bahay, hindi ka man lang nagpapaalam san ka napadpad. Mababaliw na ang mga tao kakahanap sayo and then malalaman lang namin---

Girl: Kaya nga nag so-sorry na ako.

Boy: Stop saying sorry, stop making promises! Kahit mag paalam ka man lang para di naman ako nag-aalala kakaisip sayo.

Girl: Yes po, I love you.

Boy: Galit pa rin ako, and yes, I love you too.

Girl: Si mama nga di na nagagalit sakin.

Boy: Kasi alam niyang ako na ang magagalit sayo.

Girl: You're suppose to act like a boyfriend.

Boy: I AM YOUR BOYFRIEND! I don't need to act LIKE YOUR BOYFRIEND.

ctto.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now