RolePlay World

171 12 1
                                    


"hi po kuya" basa ko, nakaopen ako ngayon sa facebook at isa akong manunulat.

"hello" bati ko pabalik.

"kumain kana po? Sorry kung FC ako" sabi naman nito saakin.

"ah oo" sagot ko. Kinuwentuhan niya ako ng kung ano ano kaya hindi ako naboring.

"waahh kuya salamat sa time next time uli" huling mensaheng sinabi nito. Hindi ko na siya nireplyan pa at nag out nalang

Ako si Clinton isang manunulat sa RolePlay World, maraming tao ang humahanga dahil sa akda ngunit marami ding taong naiinis saakin.

Nakilala ko si Freya last last month at naging magaan ang loob ko sa kanya, makulit siya at lagi akong pinasasaya kaya isang araw hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa kanya.

"F-freya" chat ko sa kanya at nakita kong nag typing siya.

"bakit? May problema kaba?" agad na chat nito kaya napangiti ako.

"a-ah wala hehe may sasabihin sana ako" sabi ko.

"ano yun? " sabi nito.

"g-gusto kita" sabi ko at nakita kong naseen niya agad

"omggg!! Gusto rin kita at alam mo iyon, gustong gusto kita look almost 3months na tayong magkakilala kaya madali akong mahulog p-pero pasensya na Clinton s-si Gorg kasi nililigawan na ako" sabi nito na nagpatigil ng mundo ko. Si Gorg isang dakilang shitposter at famous rin.

"p-pumayag ka? " tanong ko.

"oo e, salamat sa lahat" sabi nito at nag out na, habang ako naman ay hindi nakakibo sa nalaman ko. Akala ko ako na, akala ko siya na ang babae para saakin, akala kolang pala. Binagsak ko ang sarili ko sa kama kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

*6months later*

"puta CRP pala ito oh"

"idol ko panaman yan sayang"

"cancer sa lipunan"

"manloloko"

"kainis nakaka dissapoint"

Kita ko sa newsfeed ko kasabay ng mga shinare nila na post ni...

Gorg

Wait CRP siya? Asan na ang girlfriend niyang si Freya

"Clinton balik kana please" nagulat ako ng biglang mag chat saakin ang babaeng minahal ko dati. Sinabi ko sa kanya na gusto ko siya syempre para saakin mahal na din yun.

"hahaha" chat ko pabalik.

"anong nakakatawa? Hindi muna ba ako mahal? " natawa ako dahil sa tanong niya at napangiti ng mapait.

"sinabi mo saakin dati na gusto mo ako, mahal mo ako, pero ano? nagpaligaw ka parin sa iba. Ngayong wala na kayo at nalaman mong CRP siya babalik ka saakin, ayokong umasa ulit sayo tama na, Nasa huli talaga ang pagsisisi pinagpalit mo ako sa CRP".

**

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now