HE WANTS ME TO BREAK UP WITH HIM

59 3 1
                                    

HE WANTS ME TO BREAK UP WITH HIM

"May pasa ka na naman" may inis na tono sa pananalita nito, nagkibit balikat na lang ako sabay bumuntong hininga.

"Ilang beses kob—"

"I know. Intindihin mo nalang ako, bestfriend mo ako right? " kumunot noo nito at tinignan ako ng parang hindi makapaniwala, hindi ko s'ya masisisi kung ganito ako.

"Nako, sinasabi ko saiyo Kia" hindi ko nalang inintindi ang sinabi nito at kinuha nalang ang aking cellphone upang padalhan ng mensahe si Frost, nobyo ko.

"Uuwi na ako," usal ko. Napatingin saakin si Ford at inayos na ang kanyang gamit.

"Ihahatid na kita," alok nito. Ayoko sanang pumayag pero kasi gabi na, baka kung ano pang mangyari saaking masama.

"Kumain kana ba Frost?" tanong ko rito. Tanging tango lang ang isinagot n'ya kaya napangiti naman ako, atleast sumagot s'ya.

"Kia, look at this clothes. You think it suits to me? " napatingin ako sa cellphone nito at ang ganda ng damit na ipinapakita n'ya, kaso nga lang mahal. Ngumiti ako sa kan'ya bago sumagot.

"Oo sobra." ngiting usal ko, umubo ito napara bang may gusto s'yang nais kong gawin.

"Tutal malapit na ang ating Aniv—"

"Pft. Sure Frost. Basta ikaw" pinutol kona ang sasabihin ko, tumayo ito at agad akong niyakap.

"Thank you" bulong nito, napangiti ako at isiniksik ang sarili ko sakanya.

"Welcome," bulong ko. 

"Tsk. Break up with him. " hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito.

"Pera? For what? " kunot noong tanong ni Ford saakin.

"Financial needs lang, please Ford. Wala na akong malapitan e," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay bibilhin ko ang damit na gusto ni Frost. Mahal ko 'yun kaya gagawin ko lahat para sa kanya.

"Is that true? " tanong nito. Ginalingan kopa lalo ang pag-aacting ko.

"Oo naman" malungkot na wika ko.

"Look, may pasa ka nanaman. You should break up with him" inaasahan kona na sasabihin n'ya ito pero hindi 'yun ang dahilan para sumuko ako.

"Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka Kia. Tsk tsk." napalunok ako dahil sa sinabi nito, inilahad kona ang kamay ko at iniabot na n'ya saakin ang pera. Ngumiti ako sabay niyakap s'ya.

"Thank you!" niyakap ako nito pabalik.

"For you, hayst"

"How many times should I tell to you to break up with him! Tangina naman Kia!" natahimik ako dahil sa biglaang pagtaas ng boses ni Ford saakin.

"M-mahal ko si Frost, alam mo 'yan Ford" sagot ko rito. Nakita ko kung paano s'ya pumikit ng marrin at sinusubukang hindi ako masigawan, halatang naiinis na s'ya.

"Bakit s'ya? Nandito naman ako. Damn it Kia" napayuko ako dahil doon.

"Gusto kong tanungin, Kia bakit hindi ako? " bumaba ang tono nito kaya napapikit ako, naguguilty ako. Mahal ko si Frost at hindi ganoon kadaling makipag break.

"I-i can't lose him, I won't s-survive" nakapikit na usal ko, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking mga luha. Tahimik ang namayani sa pagitan namin bago ito tuluyang magsalita ulit.

"You can't lose him while him he can. I love you but you love him, I'm always here for you but... Bakit hindi ako? Bakit s'ya? " pinunasan ko ang luha ko at nag-angat ng tingin. Nakita ko kung paano lumandas ang luha nito sa kanyang mga pisngi.

One Shot Stories CompilationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora