Girl: Pansinin mo naman ako.
Girl: Uy! 'Wag ka nang magalit.
Boy: Bitiwan mo ko.
Girl: Ei! Kasi naman, 'wag ka nang magalit, please.
Boy: Bitawan mo sabi ako.
Girl: (napabitaw kay Boy)
Boy: (nagpatuloy sa paglalakad)
Girl: ...
Boy: (nilingon si Girl)
Girl: (nagpupunas ng luha)
Boy: Tsk.
Girl:
[5 MINUTES LATER]
Girl: (nakatayo pa rin kung saan siya iniwan ni Boy kanina)
Boy: Oh.
Girl: (napatingin kay Boy)
Boy: Paborito mo 'yan 'di ba?
Girl: So-sorry.
Boy: Tsk, bilisan mo nangangawit ako.
Girl: Hindi ka na galit sa'kin?
Boy: Galit pa rin ako sa'yo kaya kunin mo na 'tong cotton candy.
Girl: (napasinghot) Sa-salamat.
Boy: 'Wag ka nang umiyak, maraming nakatingin. Mamaya isipin nila kung anong ginawa ko sa'yo.
Girl: Ei kasi galit ka.
Boy: Dahil ginalit mo ko.
Girl: Sorry.
Boy: 'Wag ka na sabi umiyak.
Girl: Hi-hindi ko kasi mapigil.
Boy: (pinunasan ang pisngi ni Girl)
Girl: Bati na tayo?
Boy: (napatingin sa mata ni Girl) Galit ako sa'yo.
Girl: ...
Boy: Pero mahal pa rin kita, kainis. Hindi kita matiis.
©
![](https://img.wattpad.com/cover/167351934-288-k930034.jpg)
DU LIEST GERADE
One Shot Stories Compilation
KurzgeschichtenStoryang nabuo mula saaking malilikot na imahinasyon. Editing...