I SAW HIM CHEATING SO THIS IS HOW I REPAY HIM

69 3 0
                                    

I'm Samantha Tan and I have a boyfriend named Nate Collins, ang masasabi kolang ay napaka Ideal Husband ni Nate. Lahat ginagawa n'ya para lang sa kapakanan ko at wala s'yang hinihintay na kapalit. I'm so lucky to have him in my life.

"Baby, susunduin kita mamaya okay? " usal nito kaya napatango nalang ako.

"H'wag mong lolowbatin ang phone mo, para makatawag ako if parating na ako"

"Yes baby. Take care" sumakay na ito sa kanyang motor at nginitian ako bago n'ya ito pinaharurot.

Pagkapasok ko sa aking room ay nakita ko nanaman ang grupo nila Phoebe, si Phoebe ang kilalang Cunning Girl ng campus. Lahat nakukuha n'ya, lahat ng gusto n'ya napapasakanya. Maganda ito kaso hindi maganda ang ugali n'ya.

"Well, well, well. Ang pababy sa buhay ni Nate" paumpisa nito saakin. Hindi ko s'ya pinansin at nagtuloy tuloy nalang sa aking upuan.

"Ang laki laki na, nagpapasundo pa. Pilay kaba? " pagkatapos n'yang sabihin 'yun ay agad silang nagtawanan. Napabuntong hininga nalang ako.

**

"Nasaan kana? " text ko kay Nate. Kanina pa namin uwian pero wala parin s'ya, ramdam ko narin ang simoy ng hangin at tila uulan ng malakas.

"Baby? Bakit ang tagal mo? " kanina kopa inaantay ang kanyang reply ngunit wala talaga. Umupo muna ako sa bench at inantay s'ya.

"Samantha! " rinig kong sigaw ng isang lalaki, napatayo ako at pinuntahan ang direction nito, nakajacket s'ya at may dalang payong. Si Nate.

"Baby, I'm really sorry. Are you okay? " nginitian ko s'ya dahil mukhang pagod s'ya at ayaw ko ng dagdagan pa.

"No. It's fine baby. Tara na? " ngiting tanong ko. Nagpakawala ito ng buntong hininga at hinalikan ang aking noo.

"I love you. Always remember that" napangiti ako dahil doon.

**

It's our 3rd Anniversary today at naisipan kong bumili ng relo for him. Paikot ikot ako sa kwarto ko ng makita ko ang aking gamot. Kinuha ko ito at ihinagis kung saan, this is the secret na tinatago ko noon pa man sakanya.

"Baby nasaan ka? " I texted him. Ilang minuto ang lumipas ay nagreply ito.

"I'm sorry baby, I'm doing something. Take care, iloveyou" reply nito. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Doing something? Siguro surprise n'ya for me. Kahit kailan talaga napakasweet ni Nate.

6pm na at wala parin akong balita kay Nate. Kanina kopa s'ya tinatawagan ngunit out of coverage area. Nag-aalala na ako kanina pa hanggang sa mapagdesisyunan kong hanapin ito.

Una kong pinuntahan ang parke na lagi naming tinatambayan, nasa kalayuan palang ay nakita kona agad ang pigura nito habang nakatalikod. May babae itong kaharap at hindi ako nagkakamali...

"Phoebe... " bulong ko, noong gumalaw sila ay agad akong nagtago maigi sabay sumilip, kitang kita ko ang tuwa ni Phoebe habang kausap si Nate. Hindi ko alam pero biglang sumikip ang aking dibdib. Nakalimutan n'ya ang Anniversary namin tapos kasama n'ya lang pala si Phoebe? Anong meron sa kanila.

Kinuha ko ang phone ko at sinubukan s'yang I text.

"Baby? Nasaan ka? " tanong ko. Nakita kong kinuha nito ang phone n'ya at nagtipa sabay tinago sa bulsa.

"Nasa bahay ako baby, may tinatapos lang na school works. Always remember that Iloveyou" basa ko sa reply nito. Hindi ko maiwasang hindi maiyak, lalo na noong makita ko kung paano s'ya niyakap ni Phoebe at hinalikan sa pisngi. Tuwang tuwa pa ang babae habang ginagawa 'yun.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now