TIKTOK

61 0 0
                                    

T I K T O K
— Felicity Moon.

"Red na gate red na gate hahaha"
"Hahaha"

Napatingin ako sa kaklase kong nagtatawanan habang ginagaya ang dance moves ng tiktok na pinanonood nila. Hindi ko alam kung anong meron sa apps na 'yun at nahuhumaling sila.

Napailing iling nalang ako at tinuon ang pansin ko sa phone ko, pero hindi ako makapagfocus kasi nga ang ingay nila. Tilian ng tilian.

Pumunta ako sa appstore at sinubukang I download ang Tiktok apps. Actually ginawa ko talaga hindi ko sinubukan. Nang matapos na ang pagdodownload ay agad ko itong inopen at nagsign up. Nakakaaliw nga ang mga galaw nito at talagang mapapaindak ka. Nasa gitna ako ng pag sscroll up ng biglang may tumawag sa'kin.

"Hey Meiko" napatingin naman ako kay Waichirou. Isa rin s'ya sa mga taong nahuhumaling sa tiktok. Gwapo ito at magaling sumayaw kaya panigurado marami itong followers.

"Mayne said na pumunta ka raw sa CR ng girls" after that tinalikuran na n'ya ako. Nagtaka naman ako, bakit ako pinapapunta ni Mayne sa CR ng girls? Meron ba s'ya at kailangan n'ya ng pads?

Tumayo ako at nagsimula ng maglakad pero s'yempre habang naglalakad ako ay nanonood ako ng tiktok. Ginagaya kona rin ang moves nito at ang ganda nga. Hanggang sa makaabot ako sa CR. Saktuhan ang video sa tiktok ay 'yung babae ay nasa isang redroom.

Ginaya ko ang ginagawa nito at biglang lumabas si Mayne sa isang pintuan ng CR. Hindi ko alam kung bakit n'ya ako pinapunta rito pero wala na akong oras para tanungin 'yun.

"Anong ginagawa mo? " tanong nito. Tutal kaibigan ko naman si Mayne ay ipapakita ko sa kanya ang natutunan ko.

"Videohan monga ako Mayne" napatawa pa s'ya sandali pero kalaunay pumayag din. Nagsimula ng magplay ang tugtog.

"A please die B be next~ C come now D die now~" pagsabay ko sa kanta habang nasa gano'n kaming sitwasyon ay narinig namin ang sigawan sa labas. Buti nalang at natapos na ang pagvivideo sa'kin.

"AMAAAROOOO! " agad kong hinablot ang cellphone kay Mayne at hinila s'ya palabas. Nakita namin ang kumpulang tao, pagkarating namin doon nakita namin si Amaro nakahilata at naliligo sa sariling dugo, isa rin s'yang tiktoker.

"OMAYGAD! BUENAVISTA! " rinig ulit naming sigaw ng isang estudayante kaya napunta roon ang atensyon ng iba.

"MA'AM SI CAÑEDA... K-KANINA PA SUMASAYAW NG TIKTOK AT BINABALIAN N'YA ANG SARILI N'YA" sumbong ng isang estudyante sa gurong malapit sa amin. Naramdaman ako ang paghigpit ng pagkakapit sa'kin ni Mayne kaya natakot narin ako.

"What the f---" hindi na natuloy ni Waichirou ang sasabihin nito dahil bigla s'yang natalisod at tumama ang ulo nito sa kanto ng locker at balak pa sana s'yang tulungan ng ibang estudyante kaso nakita nila kung paano dumanak ang dugo nito kaya napaatras sila. Wala ng malay si Waichirou.

"Arghh"
"Omaygadd"
"Mama! "
"Pauwiin n'yo na kami"

"Waichirou Dwight" bulong ko. Surname letter 'D' that tikok song is a curse.

"I SHUTDOWN N'YO ANG CELLPHONE'S N'YO KUNG GUSTO N'YO PANG MANATILING BUH--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil parang biglang huminto ang pagtibok ng puso ko at unti unti na akong napapaluhod.

"MEIKOOOOO! "
"MEIII"
"HALA SI MEIKOOO"
"TULUNGAN N'YO"
"WTF! "

"MRS. MEIKO EDQUIBAN! "  napangiti pa ako bago ako mawalan ng hininga. Edquiban letter 'E'.  You'll be the next.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now