BESTFRIEND ALWAYS WIN

47 3 0
                                    

BESTFRIEND ALWAYS WIN
— Felicity Moon

"I'm fine," malamig kong tugon sa kan'ya. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito sabay masama ang tingin na pinupukol saakin. Hindi ko nalang s'ya pinansin dahil ayokong pag-awayan pa namin 'yun.

"What now? You're jealous, again? Pft, as always." Medyo may irita sa boses nito dahilan para mapabuntong hininga nalang ako.

"I'm not. Go ahead, pumunta kana sa kanila baka lumala pa sakit n'ya," nakita ko s'yang napahilot sa sintido n'ya at tila nagpipigil ng galit. Kinuha ko agad ang bag ko at agad na tumayo.

"Maybe, nextime nalang tayo magdate. If you have spare time for me. Take care." Iniwan ko na s'yang nakaupo roon at ako naman ay naglakad na palayo. Date sana namin ngayon he's too busy typing on his phone, tapos nalaman ko pa na nagmamadali ito kasi may sakit 'yung bestfriend n'ya.

"How are you?" chat saakin ni Kiro. Hindi ko na muna s'ya sineen at matagal bago ako nagreply. Kiro is friend of mine but we're not that close because I know how to distance myself.

"Fine," ikling chat ko at naglog-out na. Inopen ko ang laptop ko sabay doon nalang nag-instagram, maya-maya pa ay nakita ko ang story ni Kobe which is my boyfriend na kasama ang bestfriend nito. The way he smiled..sa buo naming pagsasama hindi ko 'yun nakita kapag kaming dalawa lang. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit, hindi ko alam kung bakit ganito ako. Yes I am jealous but..sabi n'ya that's her girlbesfriend and mas matagal silang magkakilala kaysa saamin.

Nasa ganoong sitwasyon ako nang biglang tumunog ang phone ko.

"Hey, kamusta na health mo?" bungad ni Tita. Agad akong napapunta sa kusina at nagtake ng med, shit muntikan ko nanamang makalimutan.

"See? Kung hindi ako tatawag kakalimutan mo nanaman. You should take care of yourself iha. Hindi alam ng parents mo ito because ayaw mong ipaalam. Kapatid ko ang mama mo, kaya alam kong mag-aalala sila if ever na sabihin mo sa kanila," mahabang lintanya n'ya.

"Hayaan na Tita. I'm fine and doing good," pag-aassure ko sa kan'ya narinig ko ang pagbuntong hininga nito senyales na sumuko na s'ya. Ayokong maging pabigat pa sa magulang ko kaya mas gusto kong tinatago nalang.

Natapos ang call namin pero ni isang mensahe ay wala paring pinapadala si Kobe kaya ako nalang ang gumawa. Nag-antay ako pero wala paring reply hanggang sa makatulog nalang ako.

"Sorry Hadie, doon ako natulog kasi binabantayan ko s'ya. Babawi nalang ako," basa ko sa chat nito.

"Ganoon ba, ayos lang. Alagaan mo s'yang mabuti ha?" reply ko.

"Ofcourse. She's so damn special to me," reply n'ya. Hindi ko namalayan na sa kanina ko papalang pagtatype ay tumutulo na ang luha mula sa mga mata mo.

"Right. Kaya i-keep mo s'ya," reply ko at nag-out na. Mukhang hindi ko kakayaning basahin ang susunod nitong sasabihin e.

Napatingin ako sa kalendaryo.. It was our day, our special day pero tila wala s'yang naaalala. Napahawak nanaman ako sa dibdib ko at ramdam ko ang hirap sa paghinga kaya agad akong kumuha ng tubig upang uminom. Bakit ganito? Bakit ang sakit? I'm trying to convince myself because ako ang girlfriend but.. Parang hindi?

"Date tayo?" tanong nito saakin kaya agad akong nagtaka.

"What? Naaalala mo?" masiglang tanong ko mula sa call.

"Anong naaalala? Isasama ko kasi 'yung bestfriend ko. Sama ka? Babawi ako sa kan'ya e"tanong nito saakin. Napapikit ako dahil doon at nang-hina dahil sa aking narinig.

'Bestfriend.. Again.'

"A-ah.. Kayo nalang. Busy ako e, may pinapagawa kasi saakin parents ko." May narinig akong boses ng babae at tila masayang-masaya. Paniguradong naka loud-speaker si Kobe.

"Oh.. Haha okay," cold na sabi nito sabay binaba ang phone. Napahawak ulit ako sa dibdib ko sabay nagtake ng med. Gusto kong sabihin na..

'Hey Kobe, it's me your girl. It's our day bakit s'ya ang idadate mo?'

'Hey, can't you see? I'm hurting'

'S'ya nanaman? Kailan ba kita masosolo?'

'Paano naman ako?'

'Kung magdadate nga tayo sakan'yaka parin na kafocus'

'Kobe.. Enlighten me. You said mahal mo ako, but why are you making me feel this way? It sucks.'

'Yeah. I'm a loser'

But I choose to remain silent, I don't him to feel like I didn't trust him, that I'm doubting about his feelings to me. It hurts me alot but..I choose to understand him because I love Kobe.

"They must be in a relationship"

"Sweet"

"Hope all"

"Stay Strong"

"Fighting"

Comments that I read after I saw Kobe's bestfriend post. Afyer I saw that I checked Kobe's myday and how funny.. He looks so happy. Nagpanggap ako na walang nakita, nabasa or nalaman.

"Bawi ako," chat n'ya ulit. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo kasabay ng pagkirot sa puso ko, nandidilim ang paningin ko at tila hindi makahinga ng maayos. Pilit kong inihakbang ang paa ko upang maabot ang aking gamot kaso.. Huli na ang lahat. Naramdaman ko nalang ang malamig na semento na bumabalot sa katawan ko and everything's slowly went black.

"Babawi ako," his words.. But ended up doing nothing. Bumawi ka nalang..sa burol ko.

" I love you.. Kobe"


Open for criticism

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now