Altar Server

209 24 3
                                    

Patungo ako ngayon sa simbahan kung saan andoon ang gwapong sakristan na si Maxwell, ewan koba bakit karamihan sa lalaking sakristan ay gwapo ,plus may takot sa diyos nakakaturn on

Pumuwesto ako sa harapan para makita ko ng maiigi si Maxwell , Main server sya ngayon panigurado sa labas sila uupo

Nagsimula ang misa ay wala akong naintindihan sa sermon ni father dahil nakatuon ang atensyon ko kay Maxwell

Rinig ko kasi na Mabait daw ito , at ideal boy pero wala pa syang nagiging girlfriend ewan ko kung bakit ,maraming may gusto sa kanya ,pero balita ko may business ang magulang nya then minsan walang time sa kanya

Natapos ang misa ay nandito parin ako sa upuan ,kita ko ang pagtingin saakin ni Maxwell kasama ang walang emosyon nyang mukha

"Sungit" bulong ko ,aalis na sana ako ng marinig ko itong magsalita mula sa likuran ko

"Kung magsisimba kalang upang tignan kaming mga sakristan ,huwag nalang" sabi nito gamit ang cold voice nya,kaya napaharap ako

"H-ha? Nakinig kaya ako k-kapal mo" utal na sabi ko kaya napangisi sya

"Anong sinermon kanina ni father? About saan?" Tanong nito

"A-ah eh" sabi ko dahil hindi ko talaga alam ay hindi talaga ako nakinig

"See?" Sabi nito at iniwan ako

"Gwapo sana sungit lang" bulong ko uli

**

Nagsimba uli ako para makinig na sa misa pero hindi ko parin maiwasang hindi sya sulyapan

"Panyo oh" sabi nya sabay abot saakin kaya kinuha kona at nagpunas ng pawis?

"Nagugutom kaba?" Tanong nito

"A-ah e hindi" hiyang sagot ko, sht kinikilig ako

"Nauuhaw?"

"H-hindi din" lalo ata akong nahuhulog sa ka sweetan ni Maxwell

**

"Hey ,andito ka uli? Magsimba ka?" Masiglang tanong nito

"Oo malamang hahah" sabay tawa ko ng mahina kaya ngumiti sya

"May sasabihin kaba?" Sabi nito, kasi hindi pako umaalis sa harapan nya, sht aamin naba ako?

"W-wala sige" sabi ko at pumunta na sa upuan ko

**

"May sakit ka bat nagsimba ka? Baka mapano ka ha" alala na sabi nito saakin

"Ok lang ako nukaba"

"Alagaan mo sarili mo" sabi nya at hinawakan ang leeg ko upang pakiramdaman ang init ko

"M-maxwell" mahinang bulong ko

"Bakit? May masakit ba sayo ,gusto mo bilhan kita ng gam--"

"Mahal kita" pagputol ko sa sasabihin nito

"P-per--"

"Pasensya na , mahal na kita" sabi ko at umayos ng upo

"Simula palang ,ikaw na talaga ang gusto ko" pag amin ko sa kanya pero biglang nawala ang emosyon sa mukha nito

"Sorry, hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo, kaibigan lang ang turing ko sayo, mas priority ko parin ang Diyos kaysa sa Love nayan pasensya na" sabi nito then tumayo at nagsimulang tumungo sa mga Ka Altar servers nya

"Ok lang yan atlis nakaamin ka , haha" pilit kong sabi sa sarili ko at nagumpisang umiyak

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now