SELOS

149 12 0
                                    

Boy: Sumasakit ang ulo ko sa 'yo.

Girl: Bakit na naman?!

Boy: Bakit nakipag-away ka na naman sa kaklase ko?

Girl: Kasi malandi siya!

Boy: Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na walang lumalandi sa 'ki---

Girl: HINDI MO ALAM KASI HINDI KA BABAE! Kapag sinabi kong nilalandi ka niya, nilalandi ka niya!

Boy: Ito ang lagi kong problema sa 'yo! NAPAKA-IMMATURE MO! Pwede bang bawad-bawasan mo 'yang pagkaselosa mo?!

Girl: ...Bakit kasalanan ko pa?! IKAW ANG DAPAT NA MAG-BAGO SA TIN! Napaka bait mo at the same time, napaka-manhid mo pa! At isa pa!...

Boy: ...

Girl: napaka-gwapo mo, tsk!

Boy: Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin na wala kang dapat na ikatakot, ikaw lang ang mahal ko---

Girl: Tss, hindi ako isinilang kahapon. Mahal mo ko ngayon, pero hindi mo masasabi kung hanggang kailan ang pagmamahal na 'yon.

Boy: Bakit ba kasi napaka-selosa mo?

Girl: DAHIL LAGI MONG PINAPARAMDAM SA 'KIN NA DAPAT AKONG MAGSELOS! (naiiyak)

Boy: ...

Girl: ...

Boy: Sorry... 'wag ka nang umiyak.

Girl: Sorry ka naman... tapos paiiyakin mo na naman ako! Sabi ko naman kasi sa 'yo, bawas-bawasan mo na 'yang pagiging mabait mo, lalo na sa mga babae.

Boy: Oo na.

Girl: Pag ako nagsawa sa 'yo, iiwan kita ng walang pasabi!

Boy: Hindi mo gagawin 'yan... hindi ko hahayaan na gawin mo 'yon.

Girl: Pwes, 'wag mo na akong pagselosin!

Boy: Oo na nga, tumahan ka na.

Girl: Halikan mo ko.

Boy: Dito? (•\\\•)

Girl: Bakit hindi?

Boy: Ang daming tao.

Girl: BILIS NA!

Boy: (mabilis na hinalikan si Girl)

Girl: Isa pa.

Boy: Tama na! (.\\\.)

Girl: ISA PA!

Boy: Mamaya na sa walang tao.

Girl: Bakit ba?

Boy: Nahihiya ako! (•\\\•)

Girl: Pasalamat ka cute ka.

Boy: Tss, patay ka sa 'kin mamaya kapag wala ng tao.

Girl: =_= scary.

©

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now