Girl: Bebs...
Boy: Hmm?
Girl: Gutom na ako, kain na tayo.
Boy: Anong gusto mo?
Girl: Ahm, tinapay?
Boy: Ah, wait lang. Tapusin ko lang 'to.
Girl: Eh beb! Kanina ka pa nakaharap 'dyan sa phone mo.
Boy: Wait lang talaga malapit na 'to. mag-ra-rank up na ako.
Girl: Hindi ka talaga titigil?
Boy: ...
Girl: Gusto mo talagang mag-away tayo?
Boy: Teka lang beb, malapit na talaga.
Girl: ANO BA TALAGANG MAS MAHALAGA SA 'YO ha!? Ako o 'yang laro mo?!
Boy: Ito na, ito na. Oh, ikaw muna humawak niyang phone ko. Bibili lang ako, nang malibang ka na rin. Laruin mo na rin 'yan. Sa classic ka lang baka mag-rang down ako.
ONE WEEK LATER
Girl: Bebs! Matatalo na ako! BEBS! ASAN KA NA?! BEBS! HUTANGINA!
Boy: Teka malapit na!
Girl: Fushangina, mamaya ka na mag-farming!
Boy: Oh ayan! Ayan na!
Girl: Good-good thank you. Ba-bye.
Boy: Psh, kailangan mo lang ako pag-ubos na HP mo, sige.
Girl: ...
Boy: Okay fine, dedma ulit.
Girl: ...
Boy: BEBS! 'Wag kang mang-steal! Kill ko 'yon!
Girl: (dedma)
Boy: Bebs, baka naman... akin na lang si Layla, triple kill--- BEBS!
Girl: Ang bagal mo.
Boy: MANIAC KA NA!
Girl: ...
Boy: SHIT! Shit! Harangan mo si Hilda!
Girl: SAVAGE! OH YEAH! HAHAHAHAHA! Bebs, thank you for saving my life.
Boy: Tss, yah, yah, yah! Ewan ko sa 'yo.
Girl: San ka?
Boy: Bibiling pagkain, gutom na ako.Hindi ka pa ba kakain?
Girl: Teka, magpapa-rank na muna ako. Bilhan mo na lang ako.
Boy: Itigil mo na 'yan! Nung isang linggo mo pa nilalaro 'yan.
Girl: Oo na, last na.
Boy: ITIGIL MO NA SABI!
Girl: Bahala ka 'dyan.
©
YOU ARE READING
One Shot Stories Compilation
Short StoryStoryang nabuo mula saaking malilikot na imahinasyon. Editing...