Beautiful in White

142 7 0
                                    

"Gusto ko yung kantang beautiful in white love" masayang saad saakin ng nobya kong si Sky.

"Sa kasal natin ayan ang kantang pipiliin ko" sabi ko rito at hinalikan siya sa noo kaya napangiti siya.

"Gusto ko nakaputi ako at pinagtitingin ako ng mga tao." Nakangiting saad nito.

"Oo naman love. Ikaw ang magiging pinakamagandang babae sa araw na iyon" sabi ko sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Promise to me love na kahit anong mangyari magpakatatag ka ok? " sabi nito at tila malungkot ang boses niya.

"Love naman... Syempre basta nasa tabi kita matatag ako ikaw kaya ang lakas ko" sabi ko at hinawi ang buhok niya.

"Love. Maging matatag ka rin kahit wala ako sa tabi mo dahil iyon ang kailangan mo" sabi nito kaya nagtaka na ako.

"Ano bang pinagsasasabi mo love? " tanong ko.

"Please love. " sabi nito.

"Sige love pangako" saad ko nalang

**

Nakatingin kaming lahat sa babaeng bumihag ng puso ko. Sa babaeng bumuo saakin at sa babaeng mamahalin ko habang buhay

"L-love andaya mo naman ih s-sabi mo magpapakasal pa tayo" saad ko at umiyak

"B-bro tama na yan" sabi saakin ng kaibigan kong si Red.

"Hindi loveeee gumising ka dyan please love. Kala ko ba yung beautiful in white ang papatugtugin natin sa kasal natin. Love bakit? Papakasalan pa kita diba? Ikaw ang babaeng nakaputi at pagtitinginan ng lahat pero bakit parang nag iba" patuloy ang pag-iyak ko. Wala na akong pake sa mga nasa paligid ko.

"Bakit nasa kabaong kana ngayon. Hindi mo man lang sinabi saakin na may karamdaman ka pala. Love hindi ito ang gusto ko na Beautiful in White love please" sabi ko at umiyak nalang ng umiyak

"T-tama na bro" sabi nanaman ni Red pero nagpatuloy ako sa pagiyak

Dear: Sky

Love kung nasaan ka man ngayon tandaan mong mahal na mahal kita. Hindi ito mag babago. Love bakit ganito napakasakit ng nangyari saating dalawa. Iniwan moko... Hindi ka man lang humingi ng tulong saakin Love. Mahal na Mahal kita kung nasaan ka man ngayon hanggad ko ang kapayapaan mo.
-Stryker.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now