Pagkakaiba

34 1 0
                                    

PAGKAKAIBA
— Felicity Moon.

Kasalukuyan naming inaantay ang aming guro sa Agham. Napabuntong hininga ako kasi ayaw na ayaw ko ang asignaturang iyon, lalo na 'yung teacher namin.

Agad na napaayos ang upo namin ng marinig ang baritonong boses nito.

"Goodmorning class" bungad nito sa amin. Napatayo kaming lahat at binati s'ya.

"For today's lesson... I'll call one of my students here para idefine ang pagkakaiba ng Physical change at Chemical change. " paumpisa nito. Nanatili akong nakatitig sa mestiso nitong mukha.

"Ms. Felicity. Stop staring at me" pukaw nito sa atensyon ko kaya napairap ako sa kanya.

"Papansin" bulong ko.

"Yieieie"
"Naksss hahaha"
"OMG! "
"Is this a sign? "

Dinig kong pang-aasar nila. Napailing nalang ako at tinignan ulit si Sir. Maive.

"Stand up. Define them" pilit akong tumayo habang nagsasalubong ang mga tingin namin.

"Physical change first" nagcrossed arm ito at nanatiling sa'kin ang kanya tingin. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o maiinis 'e. Tsk.

"Physical change 'yung kahit anong gawin mo sa isang bagay ganoon parin. Halimbawa nito ay 'yung kandila, kahit matunaw kandila parin s'ya" bobo ako sa Agham. Tsk. Nananadya ata 'tong si Sir. Maive.

"Then? Tsk more example"

"The best example is like you. Kahit anong gawin kong limot sa'yo ay hindi ko magawa kasi ikaw parin Sir. Kahit anong gawin ko ikaw parin" lakas loob na usal ko. Nakita ko kung paano namula ang tainga nito na nagpangisi sa'kin.

"Woaah"
"Nice one Feli"
"Lakasss hahaha"

"C-chemical change? " utal na usal nito at nag-iwas ng tingin.

"Ito 'yung nagbabago or nabago na kahit anong gawin mo hindi na maibabalik sa dati.  Like burning something? Change in color or position."

"But the best example again here is 'yung ikaw, kahit anong gawin ko alam kong hindi kana babalik saakin dahil nagbago oh.. I mean may bago kana, Sir. Maive" ngising saad ko.

"WOAAHH"
"CB CB CB! "
"MULING IBALIK~"
"COMEBACKKK"
"Hala gagi na offend ata"
"Yare hahaha"

Natatawa akong umupo sa upuan ko dahil nagwalk out ang teacher namin sa Agham slash Ex ko. Tsk tsk. 

"YES CLASS DISMISSED, THANKS TO FELICITY HAHAHA" sigaw ng presidente namin sa room, napailing nalang ako dahil doon.

One Shot Stories CompilationNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ