APRIL FOOLS DAY

52 3 1
                                    

APRIL FOOLS DAY

I'm now at the botika, because I decided to buy pregnancy test. Gusto kong I-prank ang boyfriend kong si Flint. Almost 5 years na kaming magkasintahan at tutal may nangyari sa amin, hindi na ako mahihirapan pang mang-prank.

Pagkatapos kong bumili ay pumunta ako sa bahay ng kaibigan kong si Devyni, kasi buntis s'ya at gusto kong ipagamit sa kanya ang binili ko. Para mag positive sign.

"Hey, what are you doing here?" malambing na usal nito sabay beso beso. Hindi pa malaki ang tyan n'ya kaya hindi pa halata masyado na buntis s'ya.

"Here. Pwede mobang gamitin 'to? " nakita kong kumunot ang noo n'ya at dahan dahang inabot ang inilahad ko na Pregnancy test.

"For what? " tanong nito. Napatawa naman ako roon.

"Basta. May gagawin lang ako. H'wag KJ, I'm your bestfriend right? " pilit itong tumawa kaya sinabayan ko para kunwari hindi ko na pansin na pilit 'yun.

"Fine. Wait me here" bumuntong hininga ito at may sinabi pa na kung ano pero hindi ko nalang pinansin. Habang inaantay ko s'ya ay chinat ko ang boyfriend kong si Flint.

"Babe, nakauwi kana ba? " nag-antay ako ng ilang minuto at nagreply na ito.

"Later babe. I'm busy doing something" napatawa naman ako, siguro gumagawa na ito ng maipaprank saakin. Napailing naman ako dahil sa naisip ko.

"Okay. Keep safe. Iloveyou" hindi na s'ya nagreply pa kaya itinago kona sa bulsa ko ang phone.

"Hey. Ito na." sabay abot nito saakin. Napatalon ako sa tuwa at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Thank you! " kiniss ko s'ya sa pisngi kaya napatawa ito. Pagkatapos no'n ay agad akong umuwi st ihinanda ang mga plano ko.

It's already 5:30pm ng makauwi si Flint. Ngiti akong sinalubong nito kaya napangiti rin ako. Kinakabahan ako sa plano ko pero dapat matatag.

"How's my babe? " tanong nito saakin sabay halik sa aking noo.

"I'm fine babe" I chuckled.

"May sasabihin ako saiyo" sinimulan ko ng mangiyak ngiyak kunwari kaya nagtaka ito saakin at hinawakan ang balikat ko.

"What the? Why are you crying? Hey" inalog nito ang balikat ko kaya napayuko ako at umiiyak.

"Danielle. Why? " pilit nitong sabi. Kinapa ko ang bulsa ko at pinakita sa kanya ang Pregnancy test.

"What the hell... " bulong nito at titig na titig sa pregnancy test. Nagtaka naman ako sa naging reaction nito.

"Are you serious? " tanong nito. Tumango ako habang umiiyak.

"FLINT. YOU FORGOT YOUR WALLET! " dinig kong sigaw sa labas. Inantay naming makapasok ito at nakita ko ang mukha ni Devyni. My bestfriend.

Flint started to cry,  and he hugged me tight.

"G-god. I'm sorry. Thanks God. I love you Babe" iyak nito. Kita ko ang paglapit ni Devyni saamin kaya napabitaw kami sa pagkakayakap.

"Stay away from me" utos ni Flint kaya nagtaka ako.

"Hey. Kaibigan ko si Devyni" pagbabawal ko sa kanya, nagkatitigan sila at ng tinignan ko si Devyni ay parang maiiyak ito.

"STAY AWAY!! YOU AND YOUR PRANK IS SHIT" sigaw nito

"Flint ano ba?! Buntis si Devyni bakit mo sinisigawan! " napahilamos si Flint ng mukha at masamang tinignan si Devyni.

"You liar." bulong ni Flint kaya nagtaka ako.

"H-hindi" usal ni Devyni sabay lumapit kay Flint at pilit itong niyayakap.

"What is wrong with you, Devyni? " mahinang tanong ko. Boyfriend ko 'yan e.

Hindi ako nito pinansin at si Flint naman ay tinutulak si Devyni dahil nakayakap ito.

"LET ME GO! " sigaw ni Flint pero hindi 'yun pinansin ni Devyni. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. Parang may hindi ako alam.

"N-no. I love you Flint. Please" nagulat ako sa sinabi nito kaya hinila ko s'ya pero nakayakap parin ito kay Flint ng mahigpit.

"LET ME GO DEVYNI!  BINABALAAN KITA" pilit inaalis ni Flint ang mahigpit na yakap nito pero hindi nagpapatinag si Devyni.

"N-no please. I'm saying the t-truth. We make love and ito ang nagbunga" humihikbi na usal ni Devyni, nanikip ang dibdib ko sa narinig ko pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

"Anong sinasabi mo? " tanong ko pero umiiyak lang ito at hindi ko pinansin. Tinignan ko si Flint na ngayon ay nakatingin saakin.

"B-babe? " bulong ko. Umiling iling ito at may isang butil ng luha ang lumabas sa mata nito. 

"I SAID LET ME GO! " sigaw nito at itinulak ng pwersahan si Devyni dahilan para lumagapak ito sa sahig. Tinignan ko s'ya at umiiyak s'ya roon. 

"P-prank ba ito? " utal na tanong ko habang salit salit na tumingin sa kanila.

"N-no." niyakap ako ni Flint ng mahigpit kaya ipinagtaka ko iyon.

"Babe forgive me... I love you, I really really do. I won't do such a bad things again. Forgive me Danielle. I lo--- "bulong nito.

"ANG BABY KO!! " agad kaming napakalas sa pagkakayakap at tinignan ang gawi ni Devyni na ngayon at duguan.

"AHHHHH" atungal nito. Naestatwa ako sa nakita ko at hindi makagalaw sa nakikita ko ngayon.

"SHIT! " agad na inalalayan ni Flint si Devyni.

"I-i thought you're just pranking me" rinig kong usal ni Flint na ngayon ay pinagpapawisan at aligaga.

"I'M P-PREGNANT AT IKAW ANG A-AMA! HOW CAN I P-PRANK YOU, IGAYA MO PA AKO DYAN SA NOBYA MO" umiiyak ng umiyak si Devyni habang hawak nito ang tyan nito at si Flint naman ay pilit itong binubuhat.

"Anong sinasabi m-mo? " naguguluhang tanong ni Flint.

"BINIGAY KO SAKANYA ANG PREGNANCY T-TEST KO!" lalo akong hindi nakagalaw dahil sa sinabi nito. Nagsimula ng manginig ang aking mga tuhod, b-binigay n'ya? Ibigsabihin h-hindi n'ya ginamit ang ibinigay k-kong bagong b-bili na pregnancy t-test. B-bakit... 

"DANIELLE!" sigaw ni Flint kaya nagsimula na akong kabahan, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"ARE YOU PREGNANT OR NOT?! " tanong nito. Napatakip ako ng bibig ko at nagsimulang umiling iling. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Flint. 'Yung tingin n'ya ay parang hindi na n'ya ako kilala, parang hindi na ako ang babaeng minahal n'ya. Ang sakit.

"TANGINA NAMAN DANIELLE!" sigaw nito at inayos ang pagkakabuhat kay Devyni. And I realized something...

W-wait. Buntis? At ang ama ang b-boyfriend ko?

"B-binuntis m-mo ang kaibigan ko? " hindi ko alam pero 'yan ang kusang lumabas sa bibig ko kaya napatingin si Flint sa gawi ko.

"I'm sorry Danielle, this is all your fault. KAPAG MAY MASAMANG NANGYARI SA ANAK NAMIN, PAGSISISIHAN MO LAHAT NG 'TO" and after that tumakbo na ito habang bitbit si Devyni na dinurugo. Samantalang ako ay naiwan sa kinatatayuan ko at patuloy na umiiyak, a-ako ang nobya... Pero bakit ganoon ang trato n'ya at ang mas masaklap Kaibigan kopa talaga. 

"It was all prank. B-but... Bakit ganito ang nangyari"

One Shot Stories CompilationOnde histórias criam vida. Descubra agora