BEING DENIED

32 2 0
                                    

BEING DENIED

"Ang panget ko, magugustuhan kaya nila ako? Look ang dami kong tigyawat, hindi matangos ilong ko, hindi ako map—"

"You are beautiful." Tanging sinasabi saakin ni Matheo tuwing ganito ako lagi. Totoong pangit ako pero ewan ko ba bakit ako ang niligawan n'ya, habang s'ya... Makinis ang mukha, maputi, matangkad, matangos ang ilong, halos lahat ng katangian ng ninanais ng babae ay nasa kanya e.

"Ako nga nagustuhan kita, sila pa kaya?I love yoy and that's enough" Hinapit nito ang bewang ko at nagsimula na kaming lumakad, ipapakilala n'ya kasi ako sa kaibigan niya.

"Jowa mo?"tanong no'ng gwapong lalaki.

"Hindi." Simpleng sagot ni Matheo na nagpakirot ng puso ko. Denied...

"Kala ko jowa mo e, ang pangit." Binulong lang 'yun ng tropa n'ya pero rinig na rinig ko. Naramdaman siguro ni Matheo ang paghigpit ng hawak ko sa kamay nito kaya s'ya napatingin saakin.

                                    **

Nakita ko si Matheo na nasa lilim ng upuan dito sa school at may kasamang magandang babae. Agad akong nakaramdam ng selos dahil doon.

"Pst. Math, jowa mo?" Sabay may pinakitang picture ang babae at tiyak kong ako 'yun dahil kalat ang tsismis na 'yan dito sa school.

"Hindi,"sagot ni Math at may sinabi pa ang babae sa kanya pero hindi ko na narinig dahil napaiyak nalang ako bigla at tumakbo. Denied again...

                                    **
"uyy diba s'ya 'yung shota ni Matheo?"
"Gaga hindi raw sila, assumera lang 'yan"
"Kala ko ba magjowa sila?"
"Tingin mo papatol si Matheo sa itsura n'yan?"
"Sabagay, nakakadiri."

"Excuse me." Biglang dumaan sa gitna si Matheo kung saan pinagbubulungan ako.

"Oh my God, hinawakan s'ya ni Matheo!" Sigaw n'ong isang babae kaya napatingin naman ang iba.
"Assumera talaga,"

"Let's go." Hinila ako nito kung saan at nakikita namin ang ibang mga studyante na nakapila. Ang iba ay iritang irita na dahil naiinitan siguro.

"Stay here." Iniwan n'ya ako sa may gilid at s'ya naman ay umalis at kung saan pumunta. Maya-maya pa ay biglang nakita ko s'ya sa may stage kaya nagsimulang mag-ingay ang buong paligid.

"OMG!"
"MATHEOOO!"
"SHOCKS!"
"ANG GWAPO MO TALAGA!"

sigaw ng iba. Hindi ko alam pero nainis ako dahil doon at parang kumirot ang puso ko, walang wala ako sa kanila kung tutuusin. Nasa stage ba s'ya para ipaglandakan na hindi kami? Haha, ang sakit. 

"I am here to clear everything na Jamie is not my Jowa." Nakatingin ito saakin kaya nagsimula na akong maiyak, hindi n'ya lang ako dineny sa iba, sa harap na nang maraming tao.

"Halata naman!"
"ALAM NAMIN!"
"kadiri nalang kung mangyari?"
"Hindi kayo bagay!"
"Pangit n'ya kaya"

Napahawak ako sa dibdib ko at nagsimula nang umiyak, nakatingin ang iba saakin at nagsisitaas ang mga kilay nila. Napaatras ako dahil sa ginawang pagpapahiya saakin ni Matheo. Hindi ako makapaniwala. Tumakbo ako palayo pero bago 'yun ay may narinig akong sinabi n'ya.

"She's not my Jowa or Shota. She is my Girlfriend, please respect her how like she respect all of you. Jowa? shota? hindi ko s'ya pinulot kung saan-saan lang, pinaghirapan ko 'yan at minamahal ko ng lubos, she's too precious for me to be called like that. The right term is Girlfriend, and now please stop bullying or insulting my girl, you all don't have rights to judge her nor our relationship because I am the one who's loving her. She's not that beautiful but for me she's perfect, I love the whole her. Jamie is mine and we're official."

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon