Chapter 01 " PHILIA MAHARLIKHA" part 1

748 42 6
                                    

 1 " PHILIA MAHARLIKHA (part 1l

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 1 
" PHILIA MAHARLIKHA (part 1l
.
.

Sa prestilyosong paraalan ng International Spirit Art Academy kung saan hinahasa ang mga espesyal na batang nagtataglay ng mahihiwagang kapangyarihan na tinatawag na Spirit Artisan upang maging disiplinado at maging mahusay na sundalo ng kanilang mga bansa.

Naging tanyag ang eskwelahan na ito dahil sa mga dekalidad na pasilidad at kagamitan sa pagtuturo sa mga estudyante na karamihan ay nagmula sa mayayamang pamilya na galing sa iba't ibang panig ng mundo.

Sa higit isang libong estudyante ng eskwelahan ay may mga bukod tanging estudyante ang pinagsama-sama sa iisang silid-aralan na tinatawag na Elite Class.

Ang Elite Class ay binubuo ng labing dalawang estudyante na pinili base sa kanilang abilidad, kakayahan sa pakikipaglaban at talas ng pag-iisip.

Karamihan sa mga ito ay nakakuha ng higit 95 total average sa entrance exam ng eskwelahan o hindi kaya pinadala ng kani-kanilang bansa.

Dahil sa kasikatan ng eskwelahan sa boung mundo ay binibigyan ng respeto at pagkilala ng mga tao ang bawat estudyanteng magiging bahagi nito sa loob at labas ng eskwelahan.

Isang buwan lang ang nakalipas nang magsimula ang klase sa eskwelahan ay binigla ang lahat ng estudyante na pumapasok dito na may biglaang pagbabago na naganap sa paaralan.

Isang hindi pangkaraniwang pagbabago sa sistema ang pinagtataka ng lahat tungkol sa pagpili sa isang estudyante na maging miyembro ng Elite.

Nagsimula ang pagbabago sa isang estudyante ng Class Z na nabigyan ng rekomendasyon na mailipat mula sa lower section papunta sa Elite Class.

Ito ang babaeng si Philia Maharlikha, 16 yrs old, isang munting babaeng na nagmula sa Pilipinas.

Dahil sa isang kaguluhan sa kanilang practical exam kung saan pinabagsak niya ang lahat ng kasamahan niya sa kanyang klase ay nabigyan siya ng atensyon at interes ng mga guro dahilan upang ipadala sya sa Elite Class at maisama sa mga henyo at mahuhusay na estudyante para mas hubugin pa sa pakikipaglaban.

Dahil sa nangyari ay nagsimula ang mga bali-balita tungkol sa misteryosang babaeng bumasag sa katahimikan ng eskwelahan at kasabay nito ay marami ring naglabasan na tsismis tungkol sa pagkatao ng tinuturing na mabangis na diwata.

Pero dahil sa mga paglabag nito sa alituntunin ng paaralan sa practical exam ay isinuspondi siya ng isang lingo at grounded na lumabas sa boung gusali na tinitirahang dorm na pagmamay-ari ng eskwelahan.

Mabilis na lumipas ang mga araw at kasabay noon ang lalo pang pagsikat ng dalaga sa loob at labas ng eskwelahan na unti-unting kinikilala bilang isang basagulera at nakakatakot na estudyante sa eskwelahan.

Dagsain man ng maling balita ay binalewala nito ang lahat ng mga naririnig niya tungkol sa kanya at walang ginawa ang dalagang si Philia kundi ang matulog at magbalot ng makapal na kumot sa kanyang katawan habang nakahiga sa malambot na kama sa kanyang bagong kwarto.

Naging mapalad ang dalaga dahil sa malaki at maayos na silid na ibinibigay sa bawat myembro ng Elite Class kumpara sa ibang estudyante bilang isang regalo at pribilehiyo sa pagiging top student.

Libre rin ang kanilang pagkain at mga kagamitan na ginagastusan ng pamunuan ng eskwelahan at dahil doon ay nagbuhay mayaman ang probinsyanang babaeng si Philia sa mga nakalipas na araw ng kanyang suspensyon.

Mabilis na lumipas ang mga araw pero nanatili lang sa kwarto nito ang dalaga at kahit na sa pagsapit ng araw na muli niyang pagpasok sa eskwelahan pagkatapos ng kanyang suspensyon ay wala itong pinagbago sa kasiglahan na muling pumasok at bawiin ang nawalang araw sa paaralan.

Kasalukuyan natutulog ng mahimbing ang dalaga sa kama nito at ineenjoy ang lamig ng kwarto dahil sa bukas na aircon at mabangong mga gamit sa higaan.

Ilang sandali pa ay tumunog ang alarm ng kanyang orasan na sinet niya upang makapaghanda ng maaga sa pagpasok pero gayunpaman ay walang naging tugon ang dalaga dahil sa lalim ng pagkakatulog nito.

Dito ay biglang gagalaw ang isang makintab na puting bola katabi ng orasan na nakalagay sa tabi ng kama ng dalaga.

Solid ang bolang ito na tila bato at tumitimbang ng dalawang kilo.

Maugong pag-alog nito sa kahoy na desk at ilang sandali pa ay gumugulong na ito papunta sa dereksyon ng dalaga at nagbabadya nang pagkahulog sa ulohan nang natutulog na si Philia.

Pero bago pa man tuluyang mahulog ito kay Philia ay tila kusang gumalaw ang katawan nito patihaya habang natutulog dahilan para maiwasan ang pagtama ng mabigat na bola sa kanyang ulo.

Sa mga sandali na iyon ay patuloy ang paghilik ng dalaga kasabay ang pagtunog ng kanyang orasan.

Pareho nang naunang reaksyon ng dalaga ay tila hindi nasisira ng malakas na tunog ng orasan ang pagkakatulog ni Philia.

Ilang segundo pa ang lumipas nang muling gumalaw ang puting bola at biglang tumalbog paitaas sa kisame ng kwarto at bumanda papunta sa tyan ng dalaga.

Halos mapaupo ang dalaga sa pagkabigla sa nangyari at namilipit sa sakit ng tiyan habang gumulong naman ang bola sa sahig ng kwarto.

"Uughhh!!"

Philia POV.
Isang napakasakit na umaga ang bumungad sa araw ko dahil sa pagtama ng puting bola sa tiyan ko.

Para akong sinuntok ng isang boksingero at pakiramdam ko lalabas sa bibig ko ang mga kinain ko kagabi.

Ginawa nanaman niya, ang ibig kong sabihin ay ginising nanaman ako ni Pearl sa paraan na alam niyang masasaktan ako.

Ang tinutukoy ko ay yung puting bolang iyon. Isa yung bola ng perlas at sa maniwala kayo sa hindi ay buhay ang bolang iyon.

"Bakit mo ginawa 'yon!? Papatayin mo ba ako?" Sigaw ko rito.

"Hindi ganun ang tamang pag-gising sa isang tao," muling pagsagot ko.

Nagagawa kong makausap ito pero sa kasamaang palad ay ako lang ang nakakarinig sa kanya.

May pagkasutil at talagang matigas ang ulo nito lalo na sa mga bagay na inuutos ko sa kanyang gawin at isa na rito ay ang tamang pag-gising saakin tuwing umaga.

Kahit na epektibo ang paraan nya ay hindi ko gusto ang ginagawa nito, hindi ko alam kong gusto niya ba akong gumising o habang buhay na patulugin.

Pero siguro naman hindi ako balak patayin ng spirit weapon ko dahil mula pagkabata ay siya na ang katuwang ko sa buhay.

Weird ang sasabihin ko pero pamilya na ang turing ko sa pasaway na bolang 'yan, ewan ko nga lang kung ganun din sya saakin.

Muling gumalaw si pearl sa sahig at nakikipagtalo saakin, dito ay biglang tumalbog ito patamang muli saakin pero sa pagkakataon na iyon ay naharang ko ang kamay ko at ibinato siya sa dingding upang makaganti.

Pero dahil sa ginawa ko ay bumagsak ang picture frame ng kwarto at nasira ito. Halos mapatulala na lang ako sa kinauupuan at kinabahan sa maaaring sermon na matatanggap dahil sa pagkasira ng gamit ng dorm.

Hindi doon natapos ang kakulitan ni Pearl at muli itong gumulong palapit at nakikipagtalo saakin.

"Oo na, ito na at tatayo na at pwede ba wag mo akong sasaktan kapag natutulog ako," sigaw ko rito.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now