Chapter 13 "Karapatdapat" part 1

104 9 5
                                    


Chapter 13 part 1


" Karapatdapat "


Philia POV.

Kinabukasan pagkatapos ibigay ni maam Devora ang hudyat ng pagsisimula ng exam week namin ay maaga akong pumasok upang maghanda.

Mas lalo ko dapat pagbutihan upang makasabay ako sa kanila kahit papaano.

Hindi na rin masama dahil paunti unti ay nagagawa ko ng kontrolin ang enerhiya sa katawan ko.

Nakakabilib dahil sa tuwing bumabalot ito saakin at isipin na lumalakas ako ay pakiramdam ko nagliliyab ang katawan ko at hindi ako madaling mapagod.

Ang kaso ilang minuto lang lumilipas ay nawawala na agad ito at pagkatapos nun ay nanlalata na ang katawan ko na halos ayoko ng kumilos.

Ang sabi ay normal lang ito para sa katulad ko kapag nauubusan ng enerhiya at pwede ko iyon mabawi kung magpapahinga lang ako. Medyo nasasanay na rin ako sa pag gamit ng mga sandata ng mga sundalo kagaya ng baril kahit na nagugulat ako sa mga pag putok ng mga ito tuwing gagamitin ko ito.

May isang oras pa bago ang klase sa lecture room kaya dumeretso ako sa training room upang muling subukan ang ilan sa mga sandata.

Gusto kong matutunan ito agad upang matuwa naman kahit papaano si maam devora dahil palagi nya akong napapagalitan sa pagiging sablay ko.

Kumuha ako ng isa sa mga baril na naka ayos sa estante, isa yung kwarenta'y singko na isa sa mga dapat ko raw makabisado dahil kapag sundalo na raw ako ay madalas ko raw itong kasa kasama.

Isang linggo na akong nagsasanay nito ngunit mababa parin ang nakukuha kong grado, tatlo sa sampung target pa lang ang makukuha ko sa firing test habang sila maya ay nagagawa nilang maperpect ito.

Minsan nakakawalang gana dahil parang napaka hina ko kung ikukumpara sa kanila ngunit hindi ako pwedeng sumuko na lang dahil wala na akong ibang pagpipilian kundi gawin ito.

" Gagawin ko na lang ang makakaya ko."

Lumipas ang ilang minuto habang abala ako sa pagsasanay bumaril ay hindi ko namalayan na nagdatingan na pala sa loob ang iba kong mga kasama para magsanay at magpalipas ng oras.

Sa eksaktong bala na ipuputok ko sa target ay biglang may nagsalita sa gilid ko dahilan upang magulat ako at mabitawan ang baril.

" Binitiwan mo ang baril mo habang bumabaril, ganyan ka ba ka clumsy? " Sambit ni Cana

Nagulat ako ng makita kong nasa likod ko na pala ang babaeng si Cana.

Bakas sa mga ngiti sa mukha nya na may balak nanaman itong masama saakin kaya naman hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

Tinanong agad nito saakin kung ano ang ginagawa ko sa training room ng ganun kaaga.

" Sinusubukan ko lang magsanay bumaril sa libreng oras habang hindi pa nag uumpisa ang klase."

Patuloy itong lumapit sa pwesto ko at dinampot ang nalaglag na baril sa lapag habang tinitignan ang target board ko.

" Apat na 20 at isang 50 ang tinamaan mo, ayos ah ikaw pa lang nakakagawa ng napakababang marka na yan."

"Pero ano nga bang aasahan mo sa isang saling pusa."

Ngumingisi ito habang pinupuna ang mga mababang score ko sa pagbaril

Kitang kita ko sa mukha nya na pinagkakatuwaan nya ang pagiging sablay ko ngunit kahit nakakainis ang pang mamaliit nya saakin ay hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now