Chapter 20 " Heart of Lotus" Part 2

57 7 2
                                    

CHAPTER 20 Part 2

"  Heart of Lotus "

Dahil sa muling paglitaw ni Xiuan sa battle field ay lalong nabahala ang mga kasama nya sa Elite

Maging sila ay naramdaman ang galit na presensya ni Xiuan at nangangamba sa pwedeng gawin ng binata kay Brigette na ngayon ay kasama pa ni Philia.

Marami dito ang gustong kumilos kasama na rito sila Akihiko at Alexis ngunit bago pa sila makagawa ng aksyon ay hinarangan na sila ni Steve .

" Anong ginagawa mo? Kailangan nating ipahinto ang laban." Sambit ni Akihiko.

" Sa tingin nyo makikinig ang isang yan ? Ako na ang nagsasabi sainyo na hindi ito matatapos kung may isa saatin na tutulong kay Brigette. " Sambit nito.

" Alam ko pero nanganganib na sila Brigette at hindi ko pwedeng hayaan iyon bilang representative ng Elite." Sabat ni Alexis.

Kahit na alanganin na ang sitwasyon ay nagmatigas parin si Steve na pigilan ang mga ito lalo pa nandoon na si Philia upang maging tagapamagitan.

Wala silang nagawa nung ipadala doon si Philia at ni hindi sila nasabihan kung ano ang binabalak ng mga ito upang patigilin ang laban.

Hindi naunawaan nila Alexis ang binabalak nito at lalong nagduda sa tunay na intensyon dahil sa pag gamit sa dalagang si Philia para awatin ang laban.

" Hindi ko alam ang binabalak mo pero nasisiraan ka na para gawin yun sa isang baguhan. Gusto mo bang ipahamak sya ? "

Agad na tinanggi ni Steve ang paratang ni Alexis habang patuloy na pinakiki usapan na maniwala sa kanyang plano.

" Hahaha, Ano ba? Hindi ko kayang ipahamak si Philia pero sya lang talaga saatin ang pwedeng makapigil kay Xiuan."

" Handang gawin ni Xiuan ang lahat sa isang laban at dahil isa tayong mga mandirigma ay hindi sya magpipigil sa paakikipaglaban saatin pero ibang kaso kung katulad ni Philia na ang kaharap nya." Sambit ni Steve.

Ipinaliwanag nito sa mga kasamahan nya upang kumalma ang mga palagay nya lalo na sa ugali ni Xiuan bilang mabangis na mandirigma.
Para sa kanya hindi problema si Brigette hanggat kaya nitong paganahin ang spirit item nya at mas magiging komplikado lang ang lahat kung tatapak sila sa lupa na sumasakop dito habang lumalapit sa battle field para lang tulungan sya.

Nakikita nya rin na hindi pa sinasagad ni Brigette ang enerhiya nya kaya masasabi nyang may kakayahan pa itong lumaban.

" Sa tingin ko mali ka ng pagbasa sa mga nangyayari sa laban, Hindi nya pwedeng gamitin ang spirit item nya habang nandoon si Philia at iyon ang magiging problema." Paliwanag nito.

Kahit anong paliwanag ni Steve ay tila hindi nakukumbinsi si Alexis sa mga ito at ipinipilit ang pag gawa ng pagkilos.

" Ang laban na ito ay sa pagitan ni Brigette at Xiuan, Ninanais ni Brigette na patunayan ang sarili nya kay Xiuan kaya anong karapatan natin na pigilan ito? "

Natahimik si Alexis sa pagsasalita habang pinagmamasdan si Brigette mula sa kinatatayuan. Alam nya na malayo sa ikinikilos ni Brigette ang ugali nito bilang mahinhin at kalmadong babaeng nakilala nya sa loob ng klase at maaaring may malubhang dahilan nga ito upang gawin ang biglaang pag hamon kay Xiuan pero gayumpaman ay hindi kayang manahimik ni Alexis sa nangyayari.

"  Kinakailangan na nila ang tulong sa mga oras na ito at iyon lang ang alam ko kaya wag mo akong pigilan sa gagawin ko."

Humakbang pasulong si Alexis at binale wala ang pakiki usap ni Steve na ngayon ay tahimik na nakayuko sa harap nya. Nagpatuloy ang paghakbang ng binata hanggang sa makalagpas sya dito ngunit bago pa sya tuluyang makalayo kay Steve ay bigla na syang naglaho at napunta sa likod nila Cana.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon