Chapter 27 "Star Blast Cana" Part 2

80 5 7
                                    


Chapter 27 Part 2

" Star blast Cana "


~Cana POV.



Dahil sa ginawa kong pagtulong kay Alexis sa lumipas na taon ay lumaki ang naging pag unlad nya pagdating sa pakikipaglaban na nagpabilib sa buong polaries nang pakuhanin kami ng mga exam, hindi na sila nagdalawang isip na ito ang maging representative ng alyansa para mapabilang sa Elite.

Hindi naman ito hinadlangan ng kanyang ama dahil nakadepende parin sa sasabihin ng nakakaraming pamilya ang magiging desisyon nya upang hindi lumabas na masamang ama sa kanyang anak.

Gayumpaman ay hindi parin nagbabago ang isip ni tiyo tungkol sa pagtutol sa pagiging sundalo ni Alexis kaya naman ipinasok nya ako kasama ng anak nya upang magsanay bilang paghandaan ang panahon na aalis si Alexis bilang sundalo at ako ang papalit bilang kandidato.

Sa totoo lang duda ako kung aatras si Alexis sa pagiging sundalo at basta na lang ito susuko bilang Spirit Artisan lalo pa ngayon na nakatapak na sya sa Guardian kaya sa tingin ko lalo itong hindi magpapapigil.

Sa kasalukuyan, sa gitna ng aming pagsusulit ay may biglaang nangyari na talagang sumopresa saaming lahat.

Nagkaroon ng biglaang pagsubok saamin kung saan kailangan naming matalo ang isang nilalang upang manatili sa Elite.

Hindi ko alam kong para saan ito at kung may katotohanan ito pero ang mas nakakagulat sa pagbabago na naganap ay ang pagbabago ng katauhan ng probinsyanang babae na si Philia.

Ang dating malamya at mahinang babaeng isiniksik ni tiyo sa Elite ay nagbago bilang mabangis at napakalakas na nilalang na ngayon isa isang nagpapa bagsak sa mga kasama ko.

Hindi ito nagpapigil na tila halimaw at sa kinikilos nito ay parang hindi nya kami nakikilala dahil patuloy nya kaming inaatake ng walang alinlangan.

Nabigo na ang mga kasama ko na harapin ito dahil sa pagkabigla narin sa nag uumapaw na enerhiya nitong tinataglay sa katawan. Napaka lakas nito at kahit ako ay hindi pa nakakakita ng nilalang na may ganung kalakas na kapangyarihan.

Hindi naman talaga kapanipaniwala na dahil lang sa isang spirit item ay magtataglay sya ng hindi masukat na kapangyarihan.

Pero dahil narin doon ay nalulunod ito sa enerhiya kaya nawawala ito sa tamang pag iisip.

Alam ko naman ang bagay na ito at ito ngayon ang pinag tatalunan namin ni Alexis habang nag iisip kami ng mga hakbang sa susunod na gagawin namin.

Pilit nya akong pinipigilan sa nais kong gawin na harapin na lang ito at talunin upang matapos na ang larong kanilang sinimulan. Tutal ito naman talaga ang punto ng pagdadala saamin sa isla na ito.

Gusto nilang masubukan ang kapangyarihan ng babaeng ito at maisama sa grupo ng Elite upang mas maging pabor sa Guardian ang pananatili nito sa kamay nila.

" Hindi mo pwedeng gawin yan, alam mong hindi nya tayo nakikilala dahil sa nilalamon sya ng kanyang sariling enerhiya."

Sambit ni Alexis habang pinipigilan ako.

Hindi ko maunawaan kong bakit hindi nya makita ang sitwasyon namin kahit malinaw na nanganganib ang aming buhay dahil lang sa babaeng ito.

Patuloy na pinipilit ni Alexis na hindi namin kailangan gumamit ng dahas sa isang taong wala sa tamang pag iisip.

Sa paniniwala nya ay walang saysay ang sinasabing laro kung saan lalabanan namin ito kung wala sa tamang pag iisip ito.

" Unahin natin alamin kung paano sya makakabalik sa dating katinuan imbis na labanan sya at sabayan ang pagwawala nya tyaka natin ituloy ang laro Cana."

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now