Chapter 29 part 2

126 5 0
                                    


Chapter 29 part 2



Dahil sa matagumpay na paglabas ni Xiuan sa teritoryo ng Black Hole ay nagkaroon na ito ng pagkakataon na umatake kay Philia.

Gayumpaman, hindi sila na bigyan ng pagkakataon na umatake ng palihim dahil sa nasa ere ang dalaga kaya agad nyang napansin ang papalapit na higanteng ahas sa dereksyon nya at dahil sa nararamdaman nya na may binabalak itong masama laban sa kanya ay muling iwinasiwas nito ang kanyang hawak na baston upang mag cast ng magic spell.

Kasabay ng pagwaksi nito ay nagsulpotan ang mga magic circle sa paligid ni Philia at isa isang naglabas ng mga laser na umatake ngayon kay Xiuan.

Sunod sunod syang pinaulanan ng mga ito na halos bumubutas sa lupa tuwing tatama ang napakabilis na bala ng mga ito. Gayumpaman hindi mahirap kay Xiuan ang pag iwas sa mga ito dahil sa liksi at bilis ng katawan ng ahas na gamit nya na tila naglalaro lang ang binata.

" Hindi ako tatablan ng ganyan pag atake."

Hindi inalintana ni Xiuan ang mga atake ni Philia at nagpatuloy sa pag atake hanggang sa lumundag ang ahas nyang katawan para sunggaban ang dalaga. Malakas ang loob nito at puno ng tapang na sugurin ng harap harapan ang kalaban nya kahit pa patuloy ang pag atake sa kanya.

" Ako naman, yaaaaahh !!"

Bumulusok ito deretso kay Philia at naka akmang sakmalin ito ngunit bago pa ito makalapit sa dalaga ay unti unti na syang bumabagal at hindi nag tagal ay huminto sa ere dahil sa kakapusan ng pwersa ng pag talon.

" Anong?"

Kinapos ito sa lakas at muling nahulog sa lupa. Hindi nito nagawang maabot ang halos isang daang talampakang taas ni Philia mula sa lupa dahil narin sa bigat ng katawan ng ahas.

Dahil sa bigong pag abot kay Philia ay nagtungo ito sa mataas na bato at doon ay muling lumabas ang kalahati ng katawan nya mula sa katawan ng ahas. Nabatid nya ang kakulangan nito ng pwersa sa ginawa nyang atake na labis nyang kinadismaya.

" Bwisit, Masyado syang mataas, hindi ko sya kayang atakehin kung nasa ere sya."

Alam ng binata na hindi nito kayang tumalon nang napakataas na aabot sa isaang daang talampakan mula sa lupa kahit gaano kaliksi ang ahas nya dahil sa wala rin itong mga binti para madala ang bigat nito sa pagtalon. Humahanap na lang sya sa paligid ng mataas na bagay o lugar para akyatan ngunit dahil sa pagkasira ng lugar ay wala syang makitang pag asa sa mga naiisip nyang plano.

Naalarma pa lalo sya nang nagsisigawan na ang mga kasama nya at pinag mamadali sya sa pagtalo kay Philia lalo pa limitado lang ang oras na pwedeng mag tagal ang mga ito sa pagkakahatak ng gravitya. Dahil sa pressure ay lalo syang nahihirapan mag isip at unti unti nang napipikon sa mga nangyayari.

" Hoy, dalian mo at gumawa ka na ng paraan dyan!" Sigaw ni Vladimir.

" Para naman napaka dali nang sinasabi mo, Hindi ko sya maaabot dahil sa taas nya dahil hindi naman lumilipad ang isang ahas!!"

Pinagpapawisan sa pisngi si Xiuan dahil sa hirap ng sitwasyon nya dahil kahit gaano nya pa isipin ay muli lang syang mabibigo kung lulundag ulit sya para maabot ito sa ere. Batid nya ang limitasyon ng kayang gawin ng kanyang spirit pet at wala na syang magagawa sa bagay na iyon. Nagsimula itong magalit at maging irritable dahil hindi nya kayang tanggapin sa sarili na mabibigo sya pagkatapos nyang magpaka hirap lumabas sa teritoryo ng Black hole.

Pinagmasdan nya rin ang mga magic circle na naka paligid sa Black hole at binabalak na atakehin ang mga ito upang saganun ay matigil ang Black hole, alam nya na malabong gumana ang mga pisikal na atake sa mga ito ngunit wala na syang ibang naiisip na paraan upang pigilan itong humigop ng mga bagay bagay dahil sa desperasyon.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now