Chapter 12 part 1 " Pagsisimula ng pagsusulit "

94 5 0
                                    


Chapter 12 part 1

Ilang araw ang lumipas ay nagpatuloy ang pag aaral ng Elite sa pagtuturo ni Devora.

Sa bawat klase nila ay pangunahing inaasikaso at tinuturuan nito si Philia na walang duda na nahuhuli sa buong klase.

Inaasahan na ng buong klase ito dahil sa mababang grado nito sa lahat ng pagsusulit.

Kahit sa pag aaral ng academya ay hindi nagpapakita ng magandang resulta sa mga aktibidad nila.

Dahil doon hindi maiwasan ng ilang Elite na mapag usapan ang pagiging incompetent ni Philia na pwedeng makasira sa Elite.

"Hindi ko maunawaan kung bakit hanggang ngayon ayaw parin syang tanggalin ni ms Devora sa klase."

"Tigilan mo na sya Cana at magkonsentrate ka sa pagsasanay."

Agad na pinagtanggol ni Alexis ang dalaga kay Cana na lalong nagpa irita dito.

Nakakaramdam ito na masyadong binibigyan ng atensyon ang dalaga kesa sa turuan ng maayos ang mga tulad nila na tinuturing na magiging susunod na bayani ng mundo.

" Hindi ko naman ito sinasabi para saakin lang kundi para saatin din. "

"Tayo ang Elite at malaki ang inaasahan saatin ng mga bansa na pinang galingan natin kaya responsibilidad nila na turuan at gabayan tayo."

"May punto ka pero hindi naman sila nagkukulang sa ginagawa nila para saatin, wala akong nakikitang mali kung unahin nila si Philia para makasabay saatin."

Lalong naasar si Cana sa ginagawang pag tatanggol ni Alexis kay Philia kaya ibinato nya ang cristal ball sa binata.

Nasalo man ito ng binata nago tumama sa kanya ay nagalit ito sa hindi magandang ikinikilos ni Cana lalo na sa tingin nya na pinag iinitan nito si Philia.

"Bakit mo yun ginawa?"

" Ako ang partner mo pero lumalabas na ikaw pa ang palaging kumokontra sa akin." Sagot nito.

Tumayo si Cana sa upuan na pinagpapahingahan nila at padabog na humakbang paalis.

" Wag kang parang bata Cana, Hindi kumikilos ang lahat para sayo kaya matuto kang magmalasakit sa iba." Sambit ni Alexis.

Napahawak na lang sa ulo si Alexis sa pagkadismaya sa ginagawa ng partner nya dahil iniisip nya na ito pa ang nagiging problema nya sa pagprotekta sa babaeng si Philia.

Dahil sa nangyaring pang walk out ni Cana ay hindi naiwasan ng mga kasama nito na magtanong sa magiging kalagayan ng relasyon nila bilang magpartner.

" Hindi ka ba natatakot na tuluyang magalit sayo si Cana balita ko maimpluwensya ang pamilya nya sa polaries." Sambit ni Thalia.

" Magkababata kami ni Cana at palagi syang ganyan kapag may ayaw syang bagay at hindi sya titigil hanggat hindi ito nawawala sa paningin nya kaya alam ko na kailangan ko ulit syang pigilan kahit na magalit ulit sya saakin."

Ipinaliwanag nya rin na masyado pa silang bata para pag usapan ang pulitika at tungkol sa pamumuno sa mga alyansa ng mga pamilya kaya sa tingin nya hindi makaka apekto ang maliit na away nila.

" Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo Alexis pero bilang anak ng Supreme commander ay dapat bigyan mo rin ng pansin ang ilang bagay."

Tinukoy ni Thalia ang hati hating opinyon ng Elite sa pananatili ni Philia at sumang ayon sa sinabi ni Cana na nanabaling ang oras at atensyon ni Devora kay Phillia kesa turuan sila na mas paunlarin pa ang mga kakayahan nila.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now