Chapter 24 " Game Time " Part 2

92 7 3
                                    

CHAPTER 24 Part 2

" Game Time "

Napatayo sila at agad na kinapa ang mga emblem na itinago nila sa mga bulsa nila. Lahat sila halos matulala ng malaman nila na nawala ang mga ito sa kanila  at nakuha ni Maya ng hindi man lang nila nahahalata.

" Paano mo nakuha yan?"

Habang aligaga silang kumakapa sa mga bulsa nila ay biglang tumalbog si Pearl sa tabi ni Maya para kunin ang mga emblem dito.

Nagbukas ang bilog na katawan ni Pearl na tila mga bibig nito at nilamon ang mga emblem nila kasabay ng pagtambling naman ni Maya sa ere at tumapak kay Pearl.

" Anong balak mo"? Tanong nila dito.

Kagaya ng gusto nito ay inalok sila na maglaban laban para magkaroon ng aktibidad ang Elite habang nasa isla.

Hindi na naiwasan ng iba sa kanila na hindi maki elam kahit pa kanina pa ang mga ito nananahimik sa tabi. Wala silang ideya sa binabalak ni Maya ngunit mahalaga sa kanila na maisuli sa kanila ang mga emblem.

Pero kagaya ng naunang sinabi ni Cana ay hindi pumabor sa iba na magkaroon ng labanan na labas sa pagsusulit. Hindi sila sang ayon na magpakapagod at mawalan ng focus sa pagsusulit.

" Bakit ba masyado kayong KJ?  Ang totoo wala talagang pag susulit na nagaganap dito kaya mabuti pa maglaro na lang tayo." Sambit nito.

Tila nagbago ang atmosphere ng magbago ang tono ni Maya habang binabanggit na walang pagsusulit na nagaganap kundi isang pagkilala sa boung Elite.

Tinukoy nya na ang paglalagay sa kanila sa isla ay para lang makilala at tanggapin sila ng isang espesyal na nilalang.

Habang nagsasalita ay unti unti itong naglaho kasama ni pearl na tila nilalamon ng itim na usok.

Tinangay ang usok na ito hanggang sa mapunta sa paligid ni Philia at magtipon sa ulo ng dalaga kung saan muling lumitaw si Maya.
" Kailangan nyong makuha ang pagtanggap ni Philia upang manatili sa pagiging Elite." Sambit nito.

"Huh? "

Nagulat ang lahat sa nasambit ni Maya habang buhat buhat si Pearl sa ulo nya. Wala silang ideya sa sinasabi nito at iniisip na nagbibiro lang ang dalaga.

Tumatakbo sa isip nila na isa lang yung kasinungalingan na pinapalabas ni Maya na totoo dahil nababagot ito sa isla at gusto ng may nagagawa

" Ano bang kalokohan ang sinasabi mo? " Sambit ni Xiuan.

" Pwede mo itong ituring na kalokohan pero pwede mo rin itong ituring na seryosong bagay na magiging dahilan ng inyong pagkasipa sa grupong ito." Banta ni Maya.

Habang nagsasalita ay tahimik lang na nakayuko ang dalaga habang tila naglalaro si Maya sa ulo nya. Wala itong imik habang ipinaliliwanag ng kaibigan nya ang magaganap na laro kung saan sinabi na may kinalaman sya.

" Ang laro natin ang magsasabi kung nararapat ba kayong maging myembero ng Elite o hindi, Simple lang naman ito kailangan nyo lang kunin saamin ni Philia ang mga Emblem nyo. "

Ipinaliwanag ni Maya ang patakaran ng laro at batas na kailangan upang pumasa dito. Una ang hindi pag gamit ng pandaraya sa laban. Maaari silang magtulungan ngunit iisang tao lang ang mabibigyan ng emblem sa oras na mapabagsak nyo si Philia sa laban.

" Teka! Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Wag ka ngang magpatawa."

" Hoy! Kinuha mo ang emblem namin at magsasalita ka dyan ng walang ka kwenta kwentang bagay para lang malibang ka." Sambit ni Cana.

Alam ni Maya na hindi sya paniniwalaan ng mga ito dahil masyadong hindi makatotohanan ang mga nangyayari lalo pa napakabilis ang pagbabago at takbo ng pagsusulit.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon