Chapter 29 part 1

92 8 3
                                    


Chapter 29 part 1



Sa pagpapatuloy ng laban sa pagitan ni Cana at Philia kung saan nagbabadyang pakawalan ni Cana ang sekretong teknik na Nova sa isla.

Isang nakakasilaw na liwanag ang nasisilayan nilang lahat sa kinaroroonan ni Cana habang hawak hawak ang bola ng enerhiya sa kanyang kamay.

" Maglaho kang halimaw ka!!!"

Kahit na batid nito ang kayang gawin ng teknik na ito na kayang sumira sa buong lugar na kinalalagyan nila ay wala itong pag aalinlangan na ibinato ng dalaga sa kalaban nya.

Halos bumaon ang mga paa nya sa pag padyak nya pasulong para ibato ito ng buong lakas papunta kay Philia.

Gayumpaman ay hindi makikitaan ng pagkatakot at pangamba si Philia sa paparating na atake at imbis na ilagan ito ay nanatili itong nakatayo habang hawak ang kanyang Baston.

Sa pagtaas nya ng baston ay naglabasan ang mga magic circle sa paligid nya kung saan gumawa ito ng napakalaking portal sa mismong harap nya.

" Nova Blast!!" Sigaw ni Cana.

Kasabay ng pagsigaw nito ay ang matinding pagsakop ng napakalakas na enerhiya sa paligid at gumawa ng malaking pagsabog ng puting enerhiya na lumulusaw sa mga bagay bagay na matamaan nito.

Kumalat ito at lumalaki ang pag sakop nito Nat tila kinakain ang lugar ngunit bago pa ito sumira sa buong lugar ay biglang itong hinigop ng portal na gawa ni Philia.

Para itong Black Hole na humihigop ng mga bagay bagay na nasa paligid nito maging ang mga bato at puno sa palagid nila.

Sa sobrang lakas ng hangin na humahampas ngayon sa paligid na tila delubyo ay isa isang tinatangay sila alexis at ang ibang taga elite papunta sa butas kasama ng enerhiya ng nova.

"Hindi, kumapit kayo!"

" Wag kayong bibitaw kundi mamamatay kayo." 

Pinilit nila labanan ang pag higop ng portal ngunit para lang silang laruan na tinatangay ng hangin sa gitna ng mala bagyong hampas nito.

" Ahh!! Hindi ko na kaya."

Halos lahat sila ay napabitaw sa pagkakakapit sa mga bato at puno, maging ang iba sa ka nila ay mismong ang kinakapitan na rin ang syang tinatangay papasok sa portal.

" Nalintikan na, mahihigop tayo!!"

Nakikita nila kung paano malusaw ang mga bagaybagay na tumatama sa enerhiya ng nova at kung paano naman higopin ang mga bagay bagay sa loob ng portal. Alam nila na alin man sa dalawa ang madikitan nila ay maaaring katapusan na ng buhay nila.

Subalit bago pa man sila tuluyang kainin ng enerhiya at mahigop sa portal ay naglaho sila isa isa habang lumilipad paikot sa ere. Kasama na rin si Cana na syang nagpakawala ng Nova.

Habang nagaganap ang pag higop na iyon ay muling itinaas ni Philia ang Baston nya at kasabay nun ay ang paglaki ng portal na syang lumamon ng buo sa nova hanggang sa tuluyang maglaho ito sa lugar.

Sa pagkawala nito ay nagbalik sa kadiliman ang buong lugar na kanina lang ay nagliliwanag. Walang naiwang bakas sa nova kundi ang pinsalang naidulot nito na halos humukay sa buong lugar na may lawak na isang libong metro at may lalim na limampung talampakan.

Naging kalunos lunos ang naging itsura ng paligid na kanina lang ay isang luntiang kagubatan. Nangibabaw ang katahimikan sa lugar habang patuloy na umaakyat ang makapal na usok paitaas na ginawa ng pagsabog.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now