CHAPTER 15 "Pakikipagkaibigan" Part 2

104 12 0
                                    


Chapter 15 Part 2

Akihiko POV.


Ilang minuto ang lumipas, pagkatapos namin magpalit ng uniform na para sa training ay dumeretso na kami sa Loob ng Battle room.

Ang battle room ay ginawa para sa mga pagsasanay kung saan pwedeng makipaglaban ang bawat estudyante na pinayagang gumamit ng silid kagaya ng mga Elite Student na kagaya namin ngunit dapat nakasuot ng safety equipment kagaya ng battle suit na suot namin.

Ang uniform na ito ay may espesyal na gadget kung saan pinapalakas nito ang energy barrier na inilalagay namin sa katawan namin para proteksyonan kami sa ano mang pinsala..

Kahit ang bala ng baril ay hindi tumatagos sa damit na ito pero gayumpama ay nakadepende parin ang tibay nito sa kapasidad at dami ng enerhiya sa katawan ng may suot nito.

May regulasyon din kaming sinusunod sa Battle room kung saan pinagbabawalan kaming ilabas ang higit sa 70% ng lakas namin sa pag atake na pwedeng makapinsala at magpahamak sa ibang estudyante.

Hindi naman mahirap sundin ito gayong tanging normal na pagsasanay lang ang ginagawa namin sa pagitan ng mga partner namin kahit na sabihin naglalaban kami.

Lalo na sa lagay ko, Oo at isang henyo at mahusay ang partner ko ngunit isa pa rin syang 10yrs old na batang babae kaya hindi ko sya pwedeng pwersahin na makipagsabayan saakin sa laban.

Naglakad na kami sa ibaba at humanap ng pwesto dahil kasama namin sa loob ng battle room ang ilan naming kaklase.

" Kuya akihiko, bakit parang ang tahimik mo, May problema ka ba? "

Nagulat ako sa biglaang tanong ni talifa saakin pero hindi ko sya masisisi kung napansin nya na naging tahimik ako kasama sya dahil kakaisip sa tunay na dahilan nang pag iwas saakin ni Philia.

" Wala, May iniisip lang talaga ako."

May biglang pumasok sa isip ko habang kausap ito, tutal babae rin naman si talifa kaya siguro alam nya kung paano magiging malapit sa isang babae para tanggapin nya ako bilang kaibigan.

" Huh ? "

" Alam kong weird pakinggan pero gusto ko lang malaman kung anong bagay ang gusto nyong matanggap kung may gusto sainyong makipagkaibigan."

Bakas sa mukha ni Talifa ang pagtataka dahil hindi nya alam kung bakit ko yun itinatanonf sa kanya pero gayunpaman ay sinagot nya ako kung may balak akong magbigay sa isang tao.

" Ah.. eh.. parang ganun na nga." Sagot ko.

" Kung bibigyan mo ako ay mas gusto ko ng chokolate at isang pang manika mula sayo."

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinagot saakin ni Talifa dahil tila hindi nya naunawaan na hindi sya ang tinutukoy kong pagbibigyan ko.

"Gusto ko isa namang Babaeng samurai para may partner ang ibinigay mo saakin nung nakaraan."

" Sa-sandali Talifa, hindi naman ikaw yung balak kong bigyan."

Papahinto na lang si talifa sa pagsasalita at napayuko na lang dahil sa pagkahiya saakin. Nilinaw ko rito na wala akong masamang pakay sa pagtatanong ko.

Napa pa-pout ito at tinarayan ako habang nililinaw ang tanong ko sa kanya tungkol sa pagbibigay ng regalo sa isang taong gusto kong maging kaibigan.

" kung ganun Chocolate at manika ang gusto kong matanggap kuya Akihiko."

Hindi ako sigurado sa sinasabi nya pero base sa pinupunto nya ay gusto nya ulit bigyan ko sya ng regalo.

" Talifa, ang itinatanong ko lang sayo ay kung gusto kong magbigay ng isang regalo para makuha ko ang loob nya?"

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ