Chapter 5 " Kaibigan "Part 1

227 18 4
                                    

Nagkaroon ng makakasama si Philia sa unang araw nya bilang miyembro ng Elite at kasalukuyan na kumakain ang tatlo sa isang mesa sa loob ng hardin.

Nakatanggap man ng pangmamaliit sa dalawa habang kasama niya ang mga ito ay malaking tuwa parin ang nangingibabaw sa kalooban ng dalaga dahil may nakakasama siya pagkain.

Si Thalia at Maya ay pawang nagkasama sa iisang grupo sa nakaraang aktibidad kaya sila nagkaroon ng kaugnayan sa isa't isa at ipinaliwanag na din nila kay Philia na kailangan nyang makakuha ng kasama o ka-partner para sa susunod na aktibidad sa klase.

"Huh? Pero mahirap yata ang bagay na yan dahil mukhang ayaw nila saakin."

Alam ng dalaga na hindi niya kayang makakuha ng partner sa loob ng Elite dahil sa isa syang transferee lalo na at alam ng lahat ang mababang mga grado niya sa mga pagsusulit.

Alam niya na maaaring mahatak at bumagsak ang magiging kasama niya sa aktibidad dahil sa kakulangan niya sa maraming bagay.

Pinag-aalala rin nito ang bilang ng miyembro ng Elite na labing dalawa na sakto lang sa anim na grupo para sa mga aktibidad.

Sa higit isang libong mga nominado na nagmula sa ibat-ibang bansa ay labing dalawang tao lang talaga ang kinikuha para dito kaya hindi napaghandaan ng lahat ang pagkakaroon ng ika-labing tatlong miyembro.

"Buti pa kayo magkaibigan na kaya wala na kayong problema sa mga aktibidad dito," sambit ni Philia.

Sa pagkakataon na yun ay biglang nagdabog si Thalia sa mesa nila at tinama ang sinabi ni Philia tungkol sa pagiging magkasama nila ni Maya.

"Magkagrupo lang kami at hindi kami magkaibigan ng tomboy na ito, maliwanag?" sambit nito habang nakaduro ang tinidor kay Philia.

Bilang mga sundalo ay hindi nila binibigyan ng ano mang halaga ang pakikisama sa iba lalo na sa ibang lahi.

Nasanay sila na makasama sa training ang ibat-ibang tao at hindi magtatagal ay magkakahiwalay din. Iyon ang dahilan kaya hindi nila itinuturing na matalik na kaibigan ang mga nakakasalamuhang tao.

"Maraming bagay ang mas mahalagang bigyan ng pagpapahalaga kesa ang pakikipagkaibigan sa mga kasama. Iyon ang sabi ng aking ama," sambit ni Maya.

Nagtaka bigla ang dalaga sa mga narinig sa kasama at hindi niya naiwasang tumutol sa sinabi ng mga ito tungkol sa pagkakaroon ng kaibigan sa isang grupo kagaya ng kamag-aral.

Naging mahigpit at disiplinado ang lahat ng mga bata na nagmula sa pamilya ng mga sundalo ng Guardian kabilang na rito ang pamilya na pinang-galingan nila Thalia at Maya.

"Pero hindi naman siguro malaking bagay ang pagkakaroon ng mga kaibigan," sambit nito.

"Hm... Ewan? Pero ano ba ang mapapala natin sa pakikipagkaibigan sa iba?" sagot ni Thalia.

Para sa dalawa ay walang pakinabang sa kanila ang pakikipagkaibigan sa iba kaya binabalewala nila ang ano mang emosyon na pwedeng maramdaman sa iba bilang pagsunod na rin sa turo ng kanilang pamilya.

Kagaya ng ibang tao ay maaari kang makipag-usap, makipagtulungan at makibagay kahit na hindi mo ito ituring na mga kaibigan. Pare-pareho silang mga sundalo na kailangan lang sumunod sa mga utos upang makatulong.

"Siguro nga pero iba pa rin yung may mga tao na ituturing mong espesyal sa buhay mo," pagsalungat ng dalaga.

Napabuntong hininga si Thalia dulot ng di pag sang ayon sa nasabi ng dalaga .
"Alam ko ang punto mo, mayroon din akong kaibigan sa bansa namin pero ang pinagkaiba lang ay hindi sila mga sundalo na sumasabak sa laban kagaya ko," Sambit ni Thalia.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now