Chapter 22 "Pakikipagkaibigan" Part 1

76 6 1
                                    


Chapter 22 part 1


" Pakikipag kaibigan "


Dahil parin sa naganap na laban sa pagitan nila Brigette at Xiuan ay nagkakaroon ng pagtatalo sa grupo ng Elite ilang metro lang mula sa battlefield.

Napigilan man ni Steve si Alexis na maki elam sa laban nika Xiuan ngunit hindi nito nakumbinsing manahimik si Soumin sa isang tabi lalo na nung makita nila ang pagkawala ng teretoryo ni Brigette na pumipigil kay Xiuan.

" Ano bang ginagawa nya? Bakit nya hinayaan na makagalaw si Xiuan." aligagang sambit ni Soumin. 

Sa mga sandaling yun ay lumitaw sa mga kamay nya ang isang mataas na uri ng long range riffle. Ang bagay na ito ay ang spirit item ni Soumin na kilala bilang Hot Shot.


Kilala si Soumin bilang pinakamahusay at kamangha manghang snipper dahil sa abilidad nitong tumira mula sa malayong distansya ng sunod sunod at sabay sabay .

Pupwesto na sana ito upang umatake nang biglang hawakan ni Steve ang baril nito upang pigilan umatake.

" Umalis ka dyan, Hindi sa lahat ng oras ay masusunod ka."

" Huminahon ka, Magtiwala tayo kay Philia." Sambit ni Steve.

Hinawi nya ang baril nya upang mapabitaw si Steve at itinulak ang binata palayo.

" Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon nila. Hindi ko ipagkakatiwala sa isang yan ang buhay ni Brigette. " Galit na sambit nito habang itinuturo ang unti unting paglapit ni Xiuan.

Maging si Steve ay hindi sigurado sa maaaring mangyari sa kanila ngunit alam nito na may magagawa ang dalagang si Philia upang pahupain ang galit nila Xiuan sa isat isa.

Para sa kanya ay naiiba si Philia dahil sya ang pinaka mahina at may ibang pananaw sa kanilang lahat. Tiwala sya na magdadalawang isip ang dalawang iyon na magpatuloy sa laban lalo pa maaaring mapahamak ang dalaga.

Ang komplikadong bagay na naganap dahil lang sa mga sari sari nilang pananaw at paniniwala ay magagawan ng solusyon ng isang simpleng mag isip katulad ni Philia lalo pa lahat ng Elite ay bumabase lang sa kanilang nalalaman sa labanan.

" Kung aatake ka ngayon ay maaaring atakehin ka rin ni Xiuan at hindi ito matatapos hanggang may isa sainyo ang napapahamak." Sambit ni Steve.

" Hindi ako natatakot, kaya kong ipagtanggol ang sarili ...."

Kilala bilang mahinahong tao si Steve pero tumaas ang boses nito habang hinablot ang kwelyo ni Soumin at hindi na pinatapos ng pagsasalita ito.

" Wala akong paki kong hindi ka natatakot pero nasa pagsusulit tayo at mahalaga na matapos ito na kumpleto parin tayo."

" at anong gusto mo? Hayaan kong saktan nya si Brigette?! " Sigaw ni Soumin.

Sa gitna ng mainit na tagpong iyon ay biglang sumalubong ang isang nagliliyab na bagay. Mabilis itong napansin ni Steve at napalingon sa gilid nya.

Laking gulat ni Steve ang nakaambang pagtama sa ulo nya ang nagliliyab na mga paa ni Thalia.

Isang high kick ang pinakawalan nito habang nakatayo sya sa tabi ng binata.

Gayumpaman kahit na sa alanganing at biglaang pag atake ng dalaga ay nagawa parin ni Steve na magamit ang abilidad nya at naglaho sa harap nila upang makaiwas.

Napunta ito sa itaas ng malaking bato ilang metro mula sa kinatatayuan nila Soumin.

" Anong ginagawa mo? Wag mong sabihing pati ikaw? "

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now