Chapter 08 "Tapang" part 1

228 21 1
                                    


Maraming bagay ang inaasahang ni Philia na magbabago sa pananatili nya sa eskwelahan  bilang miyembro ng Elite at sa kasalukuyan ay mararanasan niya sa unang araw niya ang makapasok sa isang magarang hardin sa gitna ng canteen ng eskwelahan na kung tawagin ay Evergarden kung saan tanging mga miyembro lang ng Elite ang pwedeng makapasok at kumain sa loob.

Kasabay din nito ay malaking tuwa ang naramdaman ng dalaga sa kasalukuyan ng magkaroon siya ng mga babaeng makasasama sa pagkain sa loob nito na kapwa miyembro rin ng Elite na sina Maya at Thalia.

Gayunpaman ay agad na natapos ang kasiyahan niya dahil sa muling pagsasalubong ng landas nila ng chinong si Xiuan.

Gumawa ito ng malaking eksena nang ipahiya ulit nito si Philia at i-bully sa harap ng maraming tao dahil sa hindi niya ito gusto na manatili bilang kasapi ng Elite.

Dahil sa hindi makatwirang pangaabuso ni Xiuan sa dalaga ay hindi nakatiis ang binatang hapon na si Akihiko na hindi maki-elam at tulungan ang dalaga sa pamamahiyang sinasapit.

Hindi naging maganda ang dating ng pagtatanggol nito para sa chino na naging resulta sa pagbabanta ni Xuian sa binata.

Hindi naman nagpatinag si Akihiko na iligtas si Philia dahilan para lalong mag-init ang tagpo sa loob ng hardin hanggang sa umabot ito sa paglalaban ng dalawang binata.

Dahil sa impluwensya ni Xiuan bilang pinuno ng isang kapatiran ng mga sundalo at ang pagiging top student ay marami ang umiiwas na makabangga ito kasama na doon ang kapwa miyembro ng Elite.

Kinilala ang husay nito kaya kahit na sa murang edad na labing anim ay ipinagkatiwala na rito ng pamilya Lin ang samahan na hawak ng kanilang angkan.

Habang nagaganap ang mainit na engkwentro sa pagitan nila Xiuan at Akihiko ay nanatiling naka-upo sa lapag si Philia at patuloy na nanlalambot ang mga tuhod dahil sa kaba.

Nag-aalala ito sa pwedeng mangyari sa binatang si Akihiko dahil sa pagtulong nito sa kanya.

PHILIA POV.

Muling bumalik ang takot na nararamdaman ko nang tuluyang magka-initan ang dalawa at nauwi sa pakikipaglaban sa bawat isa.

Hindi ko maikilos ang mga tuhod ko dahil sa takot kahit na hindi naman ako ang pinagtatangkaang saktan ni Xiuan. Ganito palagi ang nararamdaman ko tuwing natatakot ako at hindi ko na siguro mababago pa ito.

Pero iniisip ko kung tama bang maupo lang ako at walang gawin hanggang sa matapos ang gulo?
Dapat ba akong manahimik na lamang dito ?

Pero sa tingin ko kahit na magsalita ako ay hindi nila ako pakikingan. Walang may gustong maki-elam at tila nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari.

Hindi ko sila maintindihan kung paano nila na aatim na hayaan na lang na gawin ng mayabang na lalaking iyon ang gusto niya dito sa loob ng eskwelahan. Tikom ang mga bibig nila kahit pa ang ibang miyembro ng Elite na nagmula rin naman sa maimpluwensyang pamilya.

Sa gitna ng pang-bubully saakin ng chinitong iyon ay walang sumubok na pahintuin ito, hindi dahil wala silang magagawa kundi dahil hindi sila interesado na tulungan ako.

Pero naiiba ang binatang si Akihiko, siya lang ang bukod tanging lumapit at nagtangkang tulungan ako sa pang-bubully saakin.
Dahil nga doon ay naiipit siya sa isang gulo na hindi niya dapat dinadanas kung nanahimik na lang siya. Ano ba itong nararamdanan ko? Dapat masaya na ako dahil inililigtas niya ako pero nakokonsensya naman ako dahil mapapahamak siya dahil saakin.

Maiipit siya sa gulo at masasaktan para lang protektahan ako. Mali, hindi dapat mangyari iyon.

Gusto kong pigilan siya bago pa mas lumala ang lahat pero paano? May paraan ba upang tulungan siya?

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now