Chapter 30 part 2

52 5 1
                                    


Chapter 30 part 2

Ilang minuto lang pag kalipas ng paghamon ni Philia sa mga natitirang myembro ng Elite.

Dahil na rin sa sobrang pagod at mga pinsala ay tanging sina Akihiko, Soumin, Inuoe at Talifa na lang ang naglalakas loob na sumabay sa laban.

Alam nila na kulang ang bilang nila kung binabalak nilang talunin ang nag uumapaw na enerhiya ni Philia ngunit mas pinili nila Steve na ilikas na lang ang mga kasamahan na sobrang napinsalaan. Kasama sina thalia at maya ay nag tulong tulong sila buhatin sina cana, Xiuan at alexis at kahit gising na si singre ay sumama na rin sya dito para maalalayan si brigette sa pag alis sa lugar.

Nagpapatuloy na sinasabayan nila Akihiko at Inuoe ang bawat atake ni Philia habang sinusuportahan sila nila Soumin mula sa malayo.

Walang humpay na nasasalag ni Philia ang mabilis na atake ni Akihiko gamit lang ang battle gear nya sa braso.

Hindi rin nya iniinda ang mga dagok ng halimaw na mga braso ni Inuoe sa kanyang krimyera na katawan kung saan nag anyo sya mula sa gorilya na may pakpak ng agila at buntot ng anaconda.

" Hahaha yan lang ba ang kaya nyo?"Sambit nito habang salag salag ang mag kasabay na atake ng dalawang binata.

Nabalot sa enerhiya ang mga braso ni Philia at naglabas ng pwersa na nagpatalsik bahagya kanila Akihiko.

Nagawang makabalanse ni Akihiko sa pagtalsik nya ngunit dahil sa pag ka abala ay hindi nya agad napansin ang kasunod na atake ni Philia.

Sumalubong agad ito sa harap nya at naka amba ng pagsuntok sa binata.

" hindi maaari."

Alam ng binata na hindi ganun katibay ang depensa nya sa kanyang battle form dahil nakatuon ang enerhiya nya sa pagpapabilis ng kanyang mga pag kilos

" Sasalagin ko ba? Hindi. Kailangan kong umilag."

Humakbang ito para sana ilagan ito gamit ang kanyang teknik ngunit bigla itong nag alinlangan dahil limitado lang ang enerhiya nya na pwedeng gamitin at naisip nito agad na hindi nya pwedeng sayangin ito sa isang teknik para lang umiwas.

Kaya wala itong ginawang aksyon kundi protektahan ang sarili gamit ang pananga sa kanyang braso.

Halos 10 metro ang itinalsik nito nang saluhin nya ang suntok ng dalaga.

" Ah... Naku patay, napasobra yata ang ginawa ko, sana ayos lang si Akihiko." Aligagang Sambit ni Philia habang tumatakbo palapit kay akihiko.

Ngunit bago pa ito makalapit ng tuluyan ay napahinto na sya sa pagtakbo at napahawak sa ulo habang nag dadalawang isip sa gagawin.

" Pero sandali, hindi dapat ako nag aalala sa kanya, kalaban ko sya at misyon kong talunin sya."

Habang nag sasalita mag isa ay biglang sumalubong ang isang mabilis na bagay at tumama ito sa ulo ni Philia kung saan napayuko sya at napahakbang bahagya.

Umuusok ang sugat na tinamo ni Philia sa ulo kung saan tumama ang isang asul na Bala ng baril.

" Aray Aray, masakit ang isang yun."

Mula sa malayong distansya ay naka pwesto si Soumin habang gamit ang kanyang snipper.

" Napaka tibay ng barrier para balewalain lang ang blue bullet ko. Dapat pala nilakasan ko na ang ginawa kong pag tira." Bulong ni Soumin.

Napansin agad ni Philia ang presensya ni Soumin mula sa malayo at dahil nakaka ramdam sya ng mga presensya ng enerhiya na inilalagay ni Soumin sa mga Bala nya ay nagagawa nyang mailagan na ang mga sumunod na atake ng binata.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now