Chapter 11 part 2

95 7 4
                                    


Chapter 11 Part 2

Pagkagulat na lang ang naging reaksyon ni Akihiko sa pagiging agresibo ng kasama nyang binata.

Nagtataka ito kung bakit kailangan mag bigay ng galit na reaksyon ito na tila ba balewala ang pagbabati at kasunduan na ginawa nila sa harap ng council member ng eskwelahanna hindi na muling magtatalo at magsisimula ng gulo.

" Teka hindi mo naman kailangan sumigaw at magalit." Pangiting sambit nito.

" Hindi mo ba nakikilala ang kaharap mo? Double, Hindi! Higit pa sa sampung beses ang husay at nalalaman ko kesa sayo."

Sa pagkakataon na iyon ay nagsimula nang mangamba si Akihiko na maaaring may nagawa syang mali sa binata kaya naman pinakalma nya ang kasama at humingi na lang ng pasensya habang patuloy na sinisigawan sya nito.

Wala naman naging epekto ang pag papakalma ng binata sa naiiritang si Xiuan. Kaya napapakamot na lang ng ulo si Akihiko habang patuloy na nakangiting humihingi ng tawad.

"Hindi ko gustong mainsulto ka at isa pa hindi ko tatangkain na magmagaling sa harap ng taong hinahangaan ko." Sambit nito.

Nabigla si Xiuan at napatahimik sandali sa pagsasalita dahil sa nasambit ni Akihiko n tila ba natameme sya dahil sa iba ang inaasahan nyang isasagot ni akihiko sa kanyang pagyayabang dito .

Dito ay pinuri ni Akihiko ang husay nito sa pakikipaglaban at talino na dahilan kung bakit ito kinikilala ng mundo bilang isa sa pinakamahusay bilang Spirit artisan.

" Nagkakamali ka kung inaakala mong hindi kita kilala ang totoo alam ko ang lahat ng tungkol sayo."

" Limang taon mong dinomina ang International Spirit Art Competition kalaban ang ibat ibang magagaling at ginulat mo ang boung mundo dahil naging undefeated fighter ka sa boung competition sa mga panahon na iyon"

" Isa kang tunay na kahanga hanga kaya hindi mapag kakailang marami ang humahanga sayo at aaminin ko na kasama na ako doon."

Napangisi na lang si Xiuan habang patuloy syang pinupuri ni Akihiko at nakapamewang na nakatayo upang ipagyabang pa ang sarili.

Hindi sya naging mapagkumbaba sa halip ay lalo nya pang itinaas ang sarili nya at iginiit na walang sino man ang nagtagumpay na makipagkompetensya sa kanya.

Walang ka abog abog nyang pinuna ang pagmamagaling ni Akihiro sa harapan ng lahat ng paki elaman nya ang ginagawa nitong pagtaboy kay Philia sa canteen at pinagsabihan ang binata na umaarte na bayani upang makapag pabango sa lahat.

" Akala mo ba makakalimutan ko ang ginawa mong pakiki elam? "

" Napakaraming tao na akong nakasalamuha at nakaharap kaya alam ko na kung anong klaseng tao ang kaharap ko. "

" Sinusubukan mo akong kontrahin at mapagmalakihan na tila ba ikaw ang tama at ako ang mali. Hindi ba? Pwes ako na ang nagsasabi sayo na hindi ka magtatagumpay." Sambit ni Xiuan.

Agad namang itinanggi ni Akihiro ang akusasyon nito laban sa pagtatanggol nya kay Philia sa canteen.

" Wala akong balak na kalabanin ka at hindi natin kailangan magpataasan sa loob ng eskwelahan dahil kahit anong mangyari ay isa tayong Elite student at nandito tayo sa eskwelahan na ito upang mas matuto ng maraming bagay."

Ipinaliwanag ng binata na hindi nya habol ang makilala sya ng tao bilang pinakamahusay kagaya ni Xiuan dahil kung tutuusin ay kilala na sya sa bansang japan bilang prodigy dahil sa mga ipinanalo nyang mga national competition.

Alam nya rin na may mataas na posisyon na naghihintay sa kanya sa pwersa ng Guardian sa oras na magtapos sya sa eskwelahan na iyon.

Hindi rin lingit sa kanya na nakatutok ang boung mundo sa kahihinatnan ng Elite dahil narin sa itinuturing silang magiging bagong tagapagligtas ng mundo laban sa mga terorista.

Iginiit nya na wala syang gusto kundi matuto upang maging tunay na sundalo ng Guardian

" Wala akong balak kalabanin ang sino man sa Elite."

" Tinuruan akong respetuhin ang ibang tao kahit sino at anong lahi pa ito nabibilang "

" At siguro ay iyon na rin ang dahilan kung bakit ko nagawang ipagtanggol si miss Philia laban sa ginagawa mong pangbubully."

Hindi naman basta tinanggap ni Xiuan ang nasabi nito na isa lang itong pagmamalasakit sa iba at para sa kanya ay nagpapalusot lang ang kasama.

" wag mong bilogin ang ulo ko hapon! "

Sa mga oras na iyon ay pinagbataan nya si Akihiko na wag na muling maki elam sa ginagawa nya kung ayaw nito maapektohan ang pananatili nya sa Elite.

"Hindi ko maunawaan kung bakit galit na galit ka sa kanya ngunit nakiki usap ako, tigilan mo si Philia."

" Hindi mo lubusan nauunawaan kung gaano kahalagang tao si Philia para saakin."

"Anong sabi mo?"

Hindi maunawaan ni Xiuan kung bakit iyon nasabi ng binata ngunit malinaw sa kanya na hindi sya pinakingan nito sa pagbabanta nya.

Sa mga oras na iyon ay nagbago ang reaksyon ng mukha ni Akihiko at nawala ang pagiging palangiti nito.

Ilang saglit pa ay tumalikod ito upang humakbang paalis at ipinagpatuloy na lang ang pamumulot ng basura na madadaanan.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum