Chapter 17 "Doll princess "part 2

88 8 0
                                    


CHAPTER 17 Part 2

"Doll princess"

Talifa's Point of view ( POV)



Sa gitna ng sitwasyon ko sa practice match namin ni Kuya Akihiko ay naka isip ako ng ibang paraan maliban pa sa dati ko ng ginagawa.

Nasanay ako noon na hayaan si Robis na kumilos para pabagsakin ang mga kalaban ko lalo pa maykakayahan itong kumilos ng napakabilis.

ang kailangan ko lang gawin ay ipasa ang enerhiya ko sa kanya para mas lumakas pa ang bawat suntok at sipa nya.

Hindi malaking problema saakin na ipasa ang enerhiya ko sa iba imbis na gamitin ko sa sarili ko sa tuwing sumasabak ako sa laban dahil mas higit na may kaalaman sa pakikipaglaban si Robis kesa saakin dahil ang manika na yan ay sumpa na inilagay sa isang mandirigma.

Gayumpaman ay hindi ganun katibay ang depensa ni Robis para pangalagaan ako sa mga kalaban, doon ko napapakinabangan ang isa sa mga manika king si Bari.

Kailan man hindi nabasag ang depensa nya kaya nananatili akong ligtas sa laban.

Hindi ko rin kailangan kumilos sa pwesto ko dahil kay Gambi na kayang maglabas ng sapot na gagapos sa mga kalaban.

Ang kombinasyon nilang tatlo ay talagang pambihira. Marami akong pinalunang mga torneyo noong nasa taiwan pa ako hanggang sa magdesisyon ang pamilya kong ienroll ako sa eskwelahan.

Noong umpisa ay hindi ko maunawaan kong bakit kailangan kong makipaglaban sa iba pero dahil nakikita ko na natutuwa saakin sila mama at papa ay ipinagpatuloy ko ito.

Sinabi nila saakin na kung magagawa kong mas humusay ay marami akong mapapasayang tao at maililigtas. matitigil ang mga patayan na nagaganap sa bansa ko kaya naman pumayaag ako sa gusto nilang mangyari.

Akala ko noon walang pwedeng makatalo saakin kung ipagpapatuloy ko lang ang ginagawa kong pag kontrol kay Robis at Bari ngunit nagbago ang lahat nung pumasok ako dito bilang Elite.

Sa unang practice match ko ay nakalaban ko si Xiuan kung saan natanggap ko ang unang pagkatalo ko at ang masakit nito ay kinain ng spirit pet nya ang isa sa mga manika ko.

Doon ko napagtanto na malaki ang diperensya ng kakayahan ni Xiuan sa ibang taong nakakalaban ko, Hindi ako makapaniwala na may katulad nyang tao na nabubuhay sa mundo. Mali, Lahat ng kasama ko sa Elite ay mga pambihirang tao.

Lahat ng nandito na kasama ko ay mga mahuhusay na mandirigma na handang lumaban para sa kapakanan ng mundo kaya naman kailangan kong sumabay sa kanila.

Patuloy kong pinag aaralan ang mga paraan sa pakikipaglaban na maaari kung magamit sa ibat ibang sitwasyon at tinutulungan ako ngayon ni kuya Akihiko para magawa ito.

Nagagawa ni Kuya Akihiko na sabayan ang bilis ni Robis at alam din nya ang kahinaan ni Bari na syang madalas kong gamitin sa mga laban ko at lalo akong nabahala dahil nagagawa nya ring maputol ang sapot ni Gambi na ginagawa kong pang gapos dati sa mga nakakalaban ko.

Hindi pwede sa kanya ang mga pangkaraniwang paraan lang kaya dapat akong mas maging matalino sa laban namin kundi palagi nya akong matatalo.

Hindi ko kayang salagin ang atake nyang ginagawa habang ipinspasa ko sa mga manika ko ang enerhiya ko kaya nung tumira sya ng isa sa mga Wind Slash nya at agad kong kinuha ang isa kong manika na si Kesya.

May abilidad si Kesya na ikulong ang ano man sa katawan nya at madalas kong gamitin ito upang humuli ng tao. Hindi madali ang proceso nito dahil kailangan ko pang idikit sa taong ikukulong ko si kesya at napakamapanganib nito para sa batang katulad ko.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ