Chapter 10 " Alexis "

198 14 4
                                    


PHILIA's POV.

Sa ikalawang araw ko sa klase ng Elite ay mukhang may nararamdaman nanaman akong hindi magandang mangyayari.

Nagsimulang maging interesado ang lahat sa kapangyarihan na tinataglay ko bilang basagulerang diwata. 
Napakasamang pakingan yung bansag saakin ng lahat at ayoko ng mas pasamain pa pagtingin ng mga estudyante saakin.

Sa mga oras na iyon ay hinahamon ako ni Cana na makipaglaban sa kanya sa isang one-on-one battle.
"Wag kang mag-alala isa lang yung simpleng laban at hindi natin kailangan patayin ang isa't isa," sambit nito.

Hindi ko ito matignan ng deretso at patuloy na tumatanggi sa sinasabi nito dahil sa takot na pwedeng maidulot nito. Nag-uumpisa nanaman na manginig ang mga kamay ko dahil sa pagkasindak sa bawat sasabihin nito.

Sa gitna ng aking pagatras sa mga hamon at panunuyo nito ay hindi siya nagdalawang-isip na takutin ako na hindi ko maiiwasan ang makipaglaban gamit ang kapangyarihan ko lalo na sa taong si Xiuan.

"Isipin mo na lang inililigtas kita dahil tiyak hindi mananahimik si Xiuan pagkatapos mo syang pabagsakin kahapon."

"Kaya kung ako sayo pumayag ka na at saakin mo ipakita kung anong meron ka," dagdag niya habang nagpapalabas ng pulang awra sa katawan upang sindakin ako.

Napayakap ako sa sarili ko habang humihingi ng pasensya dito dahil sa kaduwagan ko sa hamon niya. Inamin ko rito na mayroon akong kakayahan lumaban pero wala akong kakayahan kontrolin ito ng tama kaya natatakot akong may mangyaring masama.

"Ano? Kung ganun natatakot kang may mangyari saakin habang nasa laban? hahaha," sambit ni Cana habang binibitawan ang krystal na bola.

Naging masama sa kanya ang pagsasabi ko ng nararamdaman ko at para sa kanya ay pinagmumukha ko syang mahina at walang laban sa katulad ko kaya lalong nagpumilit ito at hinamon ako.
"Kilala mo ba ang kausap mo?"

"Hahaha, napakarami ko ng taong tinalo sa laban at higit isang daan ang pinauwi kong luhaan sa mga paligsahan sa bansang pinangalingan ko tapos makakatanggap ako ng awa sa isang kagaya mo?" sambit nito.

Agad akong nag-panic nang nakikita kong lumiliyab na siya sa galit dahil sa pag-aakala nyang pangmamaliit ko sa kanya kaya pilit ko itong pinapahinahon.
"Pa-pa-paki usap, hindi ko intensyon na mainsulto ka pero sa oras na gamitin ko ang kapangyarihan ni Pearl at magwala ako ay walang sino man sainyo ang makakapigil nito.

"Ano? Sinasabi mo bang sa sobrang lakas ng kapangyarihan mo ay walang may kayang tumapat sayo na kahit isa sa Elite?" sambit ni Maya.

Dito ay tinignan nila akong lahat ng masama dahil sa pagkakaakala nila na minamaliit ko ang kaya nilang gawin. Sa totoo lang hindi ko pa alam kung gaano sila kahusay at kagaling pero base sa naaalala ko ay mismong ang White Comet at ang ibang Wings ang pumigil saakin sa practical exam bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Hindi ako sigurado pero hindi ako pwedeng maging kampante dahil ayokong may mapatay na tao lalo na sa hanay ng Elite.
"Nagiging mas interesante."

Dahil sa mga sinabi ko ay hindi lang si Cana ang nagkainteres na malaman kung gaano ba kalakas ang tinataglay ni Pearl.

Nagkaroon ito ng mga sari-saring opinyon sa sikretong bagay na meron ako kaya naging imteresado saakin ang mga Wings kasama na ang supreme commander at gusto nila itong malaman upang matahimik sila.

Bilang mga kampyeon sa mga bansang pinanggalingan nila sa napakaraming torneyo ay hindi sila nasindak sa nasabi kong paglalarawan sa kapangyarihan ni Pearl. Dahil sa pride nila ay bilang pinakamahusay sa lahat ng mahusay ay tila ba nagiging bingi na sila sa mga sinasabi ko.

Hindi ko maunawaan kung anong saysay kung makita nila ang kakayahan ko kung may mga taong pwedeng masaktan o mamatay? Alam kong may punto sila pero hindi masama na iwasan ko ang pwedeng mangyari.

"Kung totoo nga na may ganung kapangyarihan tinataglay yang spirit item mo ay gusto namin itong masaksihan" sambit ni Singre.

Nabigla ako ng pati si Thalia ay sumang-ayon sa ipinipilit ni Cana gayung akala ko ay isa siya sa pwede kong asahan sa Elite.

Sa gitna ng mainit na usapan ay muling pumagitna si Alexis at kinontra ang mga sinasabi nito.
"Hindi kayo pwedeng magdesisyon ng basta, hindi tayo pinapayagan na gumawa ng ano mang labanan sa oras ng klase," sabat ng binata.

"At sino ang susundin namin, ikaw na anak ng supreme commander?" sambit ni Soumin.

Ibinaba nila ang mga bolang krystal na hawak nila habang nakatingin saakin na tila may gustong gawin saakin. Pinangunahan ni Cana ang paglalakad palapit saakin habang pinapaalalahanan ako sa gagawin nyang pag-atake.

"Maglalaro lang tayo at kung magagawa mong ipakita ang kaya mo ay tatanggapin ka namin bilang isa sa mga Elite."

"Ganun kasimple," dagdag nito.

Pero bago pa may maganap na gulo ay pinigilan sila ni Brigette at pinapahinahon.
"May punto si Alexis, hindi tayo pwedeng lumabag sa alituntunin ng eskwelahan kaya naman hinihiling ko na bumalik na kayo sa mga pwesto niyo."

"Huh? Pero wala rin naman sinabing hindi tayo pwedeng gumawa ng sariling pagsasanay," sambit ni Cana.

Hindi na tumugon ang ibang mga miyembro  ng Elite sa sinabi ni Cana.
halatang napasang-ayon ni Brigette ang mga ito dahilan para ihinto ang binabalak nila saakin.

Para sa kanila ay mahalaga ang reputasyon at malinis na record sa eskwelahan dahil nakasalalay dito ang magiging katayuan nila at hindi sila pwedeng lumabag sa ano mang batas kagaya ng ginawa nila Akihiko at Xiuan.

Hindi ito matanggap ni Cana at mahahalata sa kanyang nakasimangot na mukha na nadismaya ito sa nangyari.

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa muli akong nakaligtas sa problemang pwedeng makuha kung magpapatuloy ang pakikipaglaban ko sa babaeng ito.

Taos puso akong nagpasalamat habang nakangiti kay Brigette at dahil alam ko na hindi niya ako nakikita ay lumapit ako dito para hawakan ang kamay nito upang maramdaman niya ang pasasalamat ko.

"Maraming salamat sayo."

Tinanggap niya ang pasasalamat ko at kinapa ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. Pinisil niya ito at pinuri ang makinis kong mukha.

Pero habang ginagawa niya ito ay bigla nyang binanggit na hindi ko kailangan magpasalamat at ipinaliwanag na hindi niya iyon ginawa para saakin kundi para iwasan lang ang paglabag na pwedeng gawin ng mga kasama namin.

"Isa parin ako sa gustong makakita kung bakit ka naging espesyal sa mata ng aking tiya Kiza," sambit nito.

"Sandali naman, pwede naman yun pero kailangan ko ng mahabang panahon para makontrol ko si Pearl," sambit ko dito.

Bigla nyang hinawakan ang ulo ko at hinimas ito habang sumasang-ayon sa sinabi ko at dahil masyadong napanatag ang loob ko dahil sa magandang pakikitungo niya saakin ay bigla akong nagbiro dito.

"At isa pa paano mo makikita ang kapangyarihan namin ni Pearl eh diba wala kang nakikita?" pagbibiro ko dito.

Napatigil siya sa paghimas sa ulo ko kasabay nun ay ang pagtahimik ng lugar.

"Haha-haha-haha nagbibiro lang ako," sambit ko.

Dahil hindi natuwa si Brigette sa pagbibiro ko ay bigla niya akong kinarate chop sa ulo gamit ang kamay niya.
"Agh."

PHILIA POV END. ~

 ~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now