Chapter 25 "Takot" Part 1

114 8 0
                                    


CHAPTER 25 part 1

" Takot "


ALEXIS POV.


May dalawang bagay akong pinangarap noong bata ako habang sinasanay ako bilang Spirit Artisan.

Ang una ay ginusto kong maging katulad ni ama at magligtas ng mga tao sa buong mundo at ang pangalawa ay maging tagapagligtas ni ina.

Hindi ordinaryong pamilya ang meron ako dahil isang importanteng tao ang aking ama hindi lang sa buong bansa kundi pati sa buong mundo.

Tinitingala sya at dinadakila ng mga tao bilang kanila bayani kaya nga bilang anak nya ay labis kong ipinagmamalaki ang kanyang mga ginagawa bilang bayani ng mundo na si White Comet.

Dahil sa pagiging importanteng tao ng aking ama ay halos maswerte na ako na makita ko sya ng isang beses sa isang buwan noong bata ako dahil sa pag kaabala nito sa trabaho.

Nauunawaan ko ang bigat ng kanyang tungkulin at responsibilidad sa mga tao kaya naman kahit nagdaramdam ako ay pinalagpas ko lang ang tila malamig nyang pakikitungo saakin bilang pamilya.

Simula pagkabata ko ay mga katulong at bodyguard lang ang nakakasama ko, Naging mahigpit ang mga tauhan ni ama dahil kahit ang maki pag usap sa iba ng walang nakapaligid saakin na bantay ay labis na pinagbabawal.

Kahit na hindi ito maganda para sa social life ko ay wala akong magagawa dahil kasama ito sa mahigpit na utos ng aking ama upang maprotektahan ako sa mga kalaban nya upang hindi ako matulad sa nangyari kay ina.

Dahil sa mga limitado kong kilos at bantay saradong mga galaw ay naging boring ang kabataan ko kahit na ibinibigay nila saakin lahat ng luho na gusto ko.

Naging ulila rin ako sa ina mula nung isinilang ako dahil ang sabi nila ay kinidnap ng isang Celestial ito upang gantihan si ama sa patuloy na paglaban sa kanila. Hindi ko alam ang buong kwento dahil inililihim saakin ng aking ama ang buong katotohanan tungkol sa pagkawala ni ina.

Ayaw nya pag usapan ito tuwing magtatanong ako at tikom din ang mga bibig ng mga tauhan nya tungkol sa bagay na iyon. Inisip ko noon na hindi yun makatarungan para saakin kaya naman naisip kong mag aral mabuti at hasain ang pagiging spirit artisan upang sa ganun ay balang araw ay ako na mismo ang tutuklas sa katotohanan.

Natural ang abilidad ko sa pagiging spirit artisan dahil na rin siguro sa dugong nananalaytay saakin kaya upang ipagmalaki rin ako ni ama balang araw ay naging masigasig ako magsanay hanggang sa matuto akong makontrol ang enerhiya ko at mapabilang sa mga top student ng mga pinapasukan kong eskwelahan.

Sa edad na Siyam na taon ay pinagkaloob saakin ang Spirit item ko na nagmula sa angkan ng whitestone. Inakala ko noon na iyon na ang simula ng pagtupad ko sa mga pangarap ko ngunit sa hindi ko inaasahang pag kakataon ay ito pa ang sisira saakin.

Ang Spirit item ko ay isang bracelet at may pagkakatulad ng kay ama ang abilidad nito na kayang lumikha ng isang kulay puting bolang apoy .

Para itong mga bala ng kanyon na dudurog sa bawat matamaan nito. Mapangwasak at mapanganib kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit si ama ang naging pinuno ng malaking organisasyon ng mga bayani sa ibat ibang parte ng mundo.

Ginagamit ni ama ang abilidad nya upang magligtas ng buhay at milyon milyong tao na ang kanyang natulungan gamit ito kaya naman napakalaking tuwa ko dahil sa nagkapareho kami ng kakayahan.

Sa kasamaang palad ay hindi ako ganun kahusay sa pag gamit ng kakayahan ko at sa tuwing may special training akong pinapasukan ay palagi akong nakakapinsala at nakakapanakit ng iba sa paligid ko.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon