Chapter 19" Black lotus of britain" Part 2

81 6 1
                                    


Chapter 19 Part 2


" Black Lotus of Britain."


Nagpatuloy ang paulit ulit na pagbulusok at paghampas ni Xiuan na tila ba walang katapusang parusa ay t kahit na naririnig ni Brigette ang pagpapahinto sa kanya ni Alexis mula sa malayo ay hindi ito nakikinig at pinagpapatuloy ang ginagawa.

Dahil sa tila walang awang pagpapahirap ni Brigette ay nangangamba ang mga kasama nito sa mga maidudulot nito sa grupo nila.

" Sandali Thalia, Hindi ka ba aawat sa kanila? Hindi maganda kung maglalaban laban tayo sa gitna ng pagsusulit." Sambit ni Philia.

"Sira, Hindi ka ba nag iisip? Sa oras na pumasok ka sa teritoryo ni Brigette ay maaapektuhan ka ng kanyang teknik. Tugon nito.

Ipinaliwanag ni Thalia dito na gustuhin man nya na pigilan ito ay wala syang kakayahang gawin ito maliban na lang kung gagamit sya ng dahas at pwersa. Iyon din ang iniisip nya kung kikilos ang iba dahil makapangyarihan ang spell ni Brigette at ang paraan lang upang matigil ito ay kung mauubusan ng enerhiya ang dalaga o ang derektang atakehin ito.

" Sa tingin ko kahit mabait at mahinahon si Briggete ay hindi nya ititigil ito hanggat hindi nya nasisigurong bumagsak si Xiuan dahil kung hindi nya matatalo si Xiuan sa teknik nya ay tiyak magkakaproblema sya." Sagot nito.

" Napakalakas ng teknik ni Brigette at pambihira, sa tingin ko magagawa nyang matalo si Xiuan."

Habang nagaganap ito ay tahimik lang na nanunuod si Steve sa mga nangyayari.

" Teka, Mister Vladimir hindi ba kayo ang partner ni Xiuan? Bakit ayaw nyo syang tulungan?."

" Huh? Hindi, Hindi ako kasama sa gulo na sinimulan nya."

Nakikita ni Philia na gulping gulpi na si Xiuan sa laban ngunit iba sa inaasahan nya ay napakakalmado ng partner nito na tila ba hindi nangangamba sa kaligtasan ng kasamahan.

Kahit nag aalinlangan ay pumunta parin ito sa harap nito at sinubukang kumbinsihin ito.

" Pero dapat lang tulungan mo sya dahil magkasama kayo."

Nagtaka si Steve sa pagmamalasakit ni Philia sa binatang si Xiuan lalo pa alam nito na pinag iinitan sya nito.

" Sandali, bakit masyado ka yatang nag aalala kay Xiuan? "

Nagulat at napakamot sa ulo si Philia sa tanong ito at napagtanto na may punto ang sinasabi nito ngunit para sa dalaga ay hindi nya gusto ang nakikita nya lalo pa magkakasama sila.

" Ah..eh.. K-ka-kasi kasamahan natin sya at kahit na mayabang ang lalaking yun ay hindi natin sya pwedeng hayaan na mapahamak."

" Alam kong sa lahat ng nandito ay ikaw ang higit na makakatulong sa kanya kaya nga paki usap tulungan mo sya."

Isang mabait at mahinahong tao si Steve ngunit kahit na malinaw nyang nakikita ang nangyayari sa partner ay kalmado parin ito dahil alam nya ang kakayahan ni Xiuan.

Mas nagiging interesado sya ngayon sa pinapakita ng dalagang si Philia na inaakala nyang mas matutuwa sa nangyayari.

Lalo pa itong natawa nung marinig nito na nakiki usap ang dalaga para matulungan si Xiuan.

" Hahaha, Hindi ba binully ka ng isang yun? Kung ganun dapat lang kahit papaano may gumanti sa ginawa nya sayo."

" Gumanti? "

Nagulat ang dalaga sa tugon ni Steve dahil wala sa isip nya ang ano mang pag hihiganti laban sa binata dahil noon pa ipinaniwala nya sa sarili nya na may punto ang binata na paalisin sya sa eskwelahan.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now