Chapter 06 " Akihiko vs Xiuan" Part 2

263 25 19
                                    


Sa gitna ng kaguluhan na nagaganap sa mga sandaling iyon ay biglang may humawak sa balikat ng lalaking nasa harap ko.

"Itigil mo na ito Xiuan."

Nakilala ko ang boses nito at agad na nilingon. Ang lalaking nagpapahinto sa pang-bubully na ginagawa saakin ni Xiuan ay ang parehong lalaking nakasalubong ko sa harap ng puting hagdan nitong umaga na si Akihiko.

Sa gitna ng pagwawalang bahala ng ibang miyembro ng Elite na naroon sa loob ay bigla syang dumating upang tulungan ako.

"Hindi mo kailangan maging malupit sa kanya," matapang na sambit nito.

Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko si Akihiko na tila pinagtatanggol ako laban kay Xiuan. Pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dulot ng kahihiyan.

Gayunpaman ay hindi natinag ang mayabang na lalaking ito at binale-wala lang ang sinasabi ni Akihiko. Nagmatigas ito sa ginagawa niya at pinagsasabihan si Akihiko na iwasan makialam sa ginagawa n'yang pagtatama sa mali.

"Wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko. Perpekto na ang Elite kaya hindi natin kailangan ng isang katulad niya na sisira sa reputasyon natin," sambit nito.

Hinawi ni Xiuan ang kamay ni Akihiko sa kanyang balikat at pinagbantaan ang binata na madadamay kung hindi ititigil ang pagtulong saakin.

"Kung hindi ka titigil sa pakikielam ay ituturing ko itong pagkalaban saakin at sisiguruhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

Humarap ito kay Akihiko at matapang na pinagbabantaan. Kitang-kita sa tindig ni Xiuan na palaban syang tao at handang lumaban kahit kanino pero gayunpaman, sa kabila ng paninindak nito ay hindi umatras si Akihiko at nanatiling nakatayo sa harap nito.

"Hindi ko gusto magkaroon tayo ng anumang alitan Xiuan pero hindi ako mananahimik na lang lalo pa may nakikita akong mali."

Seryosong nagkatitigan ang dalawa at sa tingin ko walang gustong magpatinag sa kanila.
Sa pagkakataon na iyon ay biglang tumitig saakin si Akihiko at humakbang palapit saakin.

Tinalikuran niya si Xuian para kausapin ako at alamin ang kalagayan ko.
"Kamusta, ayos ka lang ba?" sambit nito.

Inalok niya ang kamay niya saakin upang tulungan akong tumayo. 
Nakakapagtaka dahil kahit nagkakatensyon na sa paligid ay naglaho ang kaba na nararamdaman ko dahil sa takot at napapalitan ng kapanatagan dahil lamang sa lalaking nasa harap ko.

Pakiramdam ko ligtas na ako sa mga oras na iyon dahil sa pagdating niya. Kumalma ang nanginginig kong mga kamay at sinubukan itong itaas habang dahan-dahang inaabot ang kamay ni Akihiko.

Pero bago ko pa man mahawakan ang kamay nito ay nakita ko na ang nakakatakot na anino ng ahas sa likod ni Akihiko.

Kasabay nito ay ang pagsipa ni Xiuan na dahilan ng pagkakatalsik ni Akihiko na umabot pa hanggang ikalimang lamesa.

Napakalakas ng pagkakasipa nito at unang beses kong makakita ng taong tumalsik ng ganung kalayo dahil lang sa isang sipa.

"Sinabi ko na sayo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," sambit ni Xiuan habang nakataas pa ang kanang paa nito.

Agad namang tumayo si Akihiko habang hawak ang braso nito na tinamaan ng pagsipa. Nababalot ito ng asul na awra na nagpapakita na nababalot siya ng sariling spirit energy.

Ang mga katulad nilang Spirit Artisan ay kayang magmanikula ng enerhiya sa katawan at dahil na rin doon ay nagagamit nila ito sa maraming bagay tulad ng pagpapalakas ng mga atake at pagprotekta sa katawan .

Nanatiling nagmamataas si Xiuan at patuloy na binabantaan ito sa mga pwede nyang gawin lalo na sa sinasabing alaga ng binata.

Dito ay umiwas ng tingin kay Xiuan ang isang batang babae na nakaupo sa isa sa mga mesa sa hardin. Elite member din ito at sa reaksyon niya ay mukhang natatakot din ito kay Xiuan.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now