CHAPTER 17 "Doll Princess" Part 1

116 11 5
                                    


CHAPTER 17 Part 1

" Doll princess "


Akihiko's POV.

Kagaya ng nakagawian namin ni Talifa bilang magpartner ay naglalaban kami para mapahusay pa ang aming kakayahan sa pakikipaglaban.

Hindi naman ganun ka tindi at seryoso ang mga laban namin dahil na rin sa katayuan ni Talifa bilang batang babae.

Hindi naman mahilig talaga sa pakikipaglaban si Talifa sadyang pinagpala lang sya ng abilidad at talentong magpasa ng kanyang enerhiya sa manika kaya sya ipinasok ng pamilya nya sa pagiging sundalo ng Guardian

Ang Spirit item nya ay ang kanyang singsing na nagbibigay ng curse mark para mabuhay ang mga manika nya na parang sinumpang manika.

Dahil sa mga kwento nya saakin tungkol sa pinagdaanan nya ay kailangan kong maghinay hinay sa mga laban namin.

Ang isa pang bagay na mahirap tuwing naglalaban kami ay ang takot na masira ko ang kanyang mga manika. kailangan kong ingatan na hindi ito masira dahil tiyak magagalit sya saakin.

Naalala ko pa nung ilang araw pa lang kami sa Elite ay nagkaroon si Talifa at Xiuan ng isang Practice match sa battle room.

Hindi naging maganda para kay Talifa ang araw na iyon dahil talagang sineryoso ni Xiuan ang laban para maipakita nito saamin kung sino ba talaga sya bilang kampyon ng mundo.

Naging mahigpit naman ang laban pero dahil sa takot ni talifa ay nawala ito sa konsentrasyon sa laban hanggang sa sumuko na lang ito pero sa kasamaang palad ay nasira ang ilan sa mga manika ni Talifa sa nangyaring laban.

Alam ko hindi ko dapat sisihin si Xiuan sa nangyari dahil isa yung legal na laban pero sobrang nasaktan si Talifa sa pagkawala ng mga ito at sa iyak na ginawa nya nung mga sandaling yun ay sa tingin ko napakahalaga ang mga ito para sa kanya.

Hindi ko naman talaga responsibilidad ang tumulong sa sinoman pero hindi ko kayang makakita ng mga babaeng umiiyak sa harap ko at bago pa ako makapag isip ng dapat ikilos at gawin ay kumikilos na lang ang katawan ko palapit sa mga ito at tinutulungan.

Napasubo ako nung mga sandaling iyon dahil mukhang doon nagsimula mairita si Xiuan saakin sa pakiki elam ko sa ginagawa nya at dahil din doon nagkatusok tusok ng karayom ang kamay ko sa pag gawa ng manika.

Ilang araw kong inentertained si Talifa upang makalimutan ang nangyari sa laban kaya napansin ni Maam Devora ang pagkamalapit ko sa kanya nung mga sandali na iyon kaya naman sya na ang naging partner ko.

Wala naman akong reklamo dahil matalino at mahusay sya, hindi sya kailan man naging pabigat saakin ngunit kailangan ko ikonsidera ang nararamdaman nya lalo na pagdating sa mga manika nya.

Pagkatapos namin mag usap tungkol sa ilang bagay lalo na sa pakikipag kaibigan ko kay Philia ay naghanda na kami at pumwesto upang simulan ang laban namin.

Nabalot kaming dalawa ng mga enerhiya na nagmula saaming mga katawan at unti unting inililipat sa mga Spirit Item namin upang paganahin ang mga ito.

" Ang tanyag na Doll princess na kayang tumalo ng higit isang daang kalaban ng walang kagalos galos at hindi man lang gumagalaw sa pwesto nito." Sambit ko.

Nakangiti itong kinukuha ang iba pang manika habang nababalot ng kanyang sariling awra.

" Pambihira ka, kaya kahit isa ka lang bata ay  hindi ako pwedeng magpigil sa laban nating dalawa."

Sambit ko habang binubunot ang spirit item na Wind sword na nasa bewang ko.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon