Chapter 21 " Hindi na muli" " Part 1

83 6 2
                                    

Chapter 21 Part 1

" Hindi na muli."


Xiuan POV.


Maraming beses na akong isinasabak sa mga trainning mula pa nung pitong taon ako. Pinag aral ako ng pamilya Li sa ibat ibang training center upang hubugin ang kakayahan ko.

Sa edad na sampu ay nakakuha ako ng higit isang daan cetificate at medal sa ibat ibang parangal sa bansa pagdating sa pagiging Spirit Artisan.

Nung tumungtong ako ng labing isang taon gulang ay lalong naging mas mahirap ang naging training ko na ginaganap pa sa ibat ibang parte ng mundo.

Pakiramdam ko noon ay ako na ang pinaka mahusay na Spirit artisan noon dahil walang sino man ang nakakalagpas sa mga nagawa ko. Palagi akong nangunguna kahit pa mas matanda saakin ang mga nakakasagupa ko.

Hanggang sa makilala ko ang isang babaeng taga probinsya ng jie bae sa China na si yunzi nao. Pareho kaming nagmula sa pamilya ng mga sundalo ng Guardian kaya naman hindi maiiwasan na magkita kami sa ilang training.

Gayumpaman kahit magkatulad kami ng lahi at alyansa ay malaki ang pinagkaiba ng kakayahan namin sa isat isa dahil ang babaeng ito ay isa lang normal na babae.

Ang ibig kong sabihin sa pagiging normal nito ay wala syang talentong kontrolin ang sariling enerhiya sa kanyang katawan.

Sa panahon na iyon ay gumagamit pa sila ng isang gadget na inimbento ng tao upang magbigay ng kakayahan sa tao na ilabas ang enerhiya nito sa katawan.

Hindi ito perpektong gadget dahil ang tanging tinutulong lang nito sa tao ay mailabas ang natatagong enerhiya sa katawan ng tao na dederetso sa spirit item.

Isang basura para saaming mga biniyayaan ng abilidad ang bagay na yun dahil dinadaya nun ang proseso ng Spirit Art na aming inaral at pinagpaguran ng napakaraming taon.

Hindi rin ako sang ayon sa mga gadget na ginagawa ng mga tao para lang makasabay ang mga normal na tao saamin pero wala naman akong magagawa sa bagay na yun.

Una kong nakasama si Yunzi sa isang 3days training camp sa bansang Taiwan at dahil sa kasagsagan ng kasikatan ko noon ay madalas na sadyain ako upang kausapin ng mga nakakasama ko.

Isa na rito ang black long haired girl na si Yunzi na halos hindi na makita ang mga mata dahil sa haba ng bangs nito.

Napaka masiyahin, maligalig at masasabi kong energetic nyang babae kaya nga madalas ay napapahamak sya.

May kakaiba syang lakas ng loob na wala sa iba at kahit na nahihirapan ay itinutuloy nya ang bagay na pinapagawa sa kanya hanggang matapos ito.

Pero kahit gaano pa sya kadeterminado at kasigasig ay may mga sitwasyon na makikita ang diperensya nya sa mga katulad kong Spirit artisan.

Tuwing magtatapos ang mga aktibidad namin sa training Camp ay lagi syang nasa huli ng rankings. Kaya naman laging bagsak ang mukha nya tuwing sumasapit ang result day.

Hindi nagtapos doon ang pagsasama namin dahil muling napasama sya sa susunod kong camp dahil narin sa impluwensya ng pamilya nya.

Gumagastos ang pamilya nya para sa mga gadget na ginagamit nya para lang makapagpatuloy sya at nakikita ko na wala syang magagawa kundi paulit ulit na sumalang sa mga training kahit na madalas syang napapahamak o hindi naman ay naiiwan.

Madalas ko na syang nakikitang nagtatago sa sulok habang umiiyak pero ni hibdi ko sya naririnig na umangal, gusto nyang umunlad at humusay kagaya ng iba upang makatulong sa tao at sa bayan na kinalakihan nya.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now