Chapter 03 " Elite Class" Part 2

320 25 3
                                    


Tumitig ako sa ibang mga kamag-aral ko na tila walang paki-alam sa nagaganap sa loob ng klase. Walang kahit isa sa kanila ang nagsasalita at tila ba walang gustong pumigil sa ginagawang pangbubully saakin habang nagpapatuloy ang klase.

Napalingon din ako sa likod ko pero kagaya ng iba ay tahimik lang na nakatingin saakin si Miss Devora na tila ba ok lang sa kanya ang ginagawa ng kanyang estudyante.

Sa mga sandaling iyon labis akong pinanghihinaan ng loob at puno ng takot sa isip. Naguumpisa nanaman akong mapraning at mag-isip ng mga negatibong bagay sa mali kong nagawa.

Ganito ba ang turing nila saakin dahil isa akong probinsyana? Dahil hindi ako mayaman katulad nila? O dahil ba sa kulay ng balat ko?

Naiiba ako sa mga henyo at mayayaman na kagaya nila at malayong malayo upang mapabilang sa kanila pero hindi ko naman ginusto na mapasama dito.

Nanginginig ang tuhod ko at wala akong nagawa kundi yumuko sa harap at pumikit dahil sa kahihiyan at takot.

Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang may boses na nagsalita, isang tinig ng lalaking bumasag sa katamikan ng silid.

"Ano ang pangalan mo?" pag uulit nito.

Isang mistiso at blondie na lalaki ang ngayon nakikipag-usap saakin. Medyo cold ang reaksyon ng mukha niya habang pinipindot ang hawak na ballpen sa kamay pero deretso syang nakatingin saakin at tinatanong ako.

Nagulat ako ng muli nyang tanungin ang pangalan ko sa ikatlong pagkakataon. Npakahinahon ng boses nito, malayong-malayosa naging pag-uugali nung lalaki na naka upo sa harapan ko.

"A-A-Ak-ako ba? A-Ako si P-phi-Philia Ma-ma-maharlikha," nakayukong sagot ko rito at sa sobrang taranta ko ay hindi ko namalayan na napalakas ang boses ko.

"Ngayon miss, itaas mo ang ulo mo at tumayo ka nang deretso," biglang sambit nito.

Inutusan ako nitong huminahon at tumitig sa kanya habang kinakausap ito. Napakakisig ng kanyang boses at sa dating niya ay masasabi mong isa syang kagalang-galang na tao.

Wala akong makitang kahit anong marahas na pagdidikta kahit na inuutusan ako nito sa isang napakahirap na bagay para saakin.

Noong mga oras na iyon ay tila naglaho ang mga tao sa paligid namin at wala akong ibang nakikita at naririnig kundi ang makisig na lalaking nasa harapan ko.

Muli niya akong kinakausap at sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay kusa na lang gumalaw ang katawan ko upang sundin ito.

Tumindig ako ng deretso at sumaludo sa harap nito kagaya ng nakagawian ng mga estudyante tuwing magbibigay ng respeto at paggalang.

"Ngayon, pwede ka bang magpakilala miss? Interesado akong malaman ang pagkakilanlan mo."

"Ako si Philia Maharlikha, 16 years old at nagmula ako sa Pilipinas, nandito ako dahil sa rekomendasyon ng Union upang magsanay. Kinagagalak ko kayong makilala," sagot ko rito.

Natahimik na lang bigla ang lugar pagkatapos kong magsalita sa harap at ipakilala ang sarili. Sa sandaling 'yon ay itinigil niya ang pag-pindot sa kanyang hawak na ballpen at dito ko na unti-unting napansin muli ang nasa paligid ko.

Napalingon ako sa paligid ko na kanina ay isang madilim na kawalan. Nagtataka man ako sa naranasan kong kakatwang bagay ay hindi ko na ito pinansin pa.
Napagtanto ko rin na nagawa kong makapagsalita ng deretso sa harap ng maraming tao sa unang pagkakataon.

Nagulat ako dahil kaya ko palang gawin iyon ng hindi kinakabahan at nabubulol. Unang beses kong nagawa ito ng hindi nagkakamali pero siguro dahil sa tulong na rin ng lalaking ito.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon