Chapter 04 " Maya and Thalia " Part 2

241 20 3
                                    


Lumipas ang ilang minuto nang kausapin ako ni Miss Devora, pagkatapos ay bumaba na ako ng gusali upang pumunta sa canteen.
Naisip ko na mahaba ang isang oras para itambay lang sa itaas kaya nagdesisyon akong pumunta sa canteen bago magtungo sa susunod na klase.

Habang nasa Elevator ay naiisip ko parin ang mga nabanggit ni Miss Devora saakin tungkol sa gusto kong gawin. 
Kahit ako ay nagdududa kung gusto ko ba talaga ang mga ginagawa ko.

Hindi ko nabigyan ng sagot noong tanungin ako ni Miss Devora at nanatiling nakayuko sa harap niya na parang pipi. Gusto kong sabihin na ayokong mamatay, natatakot akong makipaglaban at lalong wala akong tapang para iligtas ang mga tao sa mga terorista.

May mga bumabagabag sa isipan ko sa mga sandali na iyon, lalo na kung ano ang mangyayari saakin sa hinaharap kung sakaling magpatuloy ako sa pag-aaral dito. Naguguluhan ako kung kailangan ko nang sabihin na napipilitan lang akong pumasok sa paaralan na ito para sa pera na ibibigay sa pamilya ko pero tila hindi ko kayang gawin iyon dahil sa takot na bawiin ang lahat ng meron ang pamilya ko.

Siguro naman kaya ko ang pag-aaral at may magbabago saakin upang maging totoong matapang kung mag-aaral ako ditto. Iyan ang lagi kong nasa isip noon pero nung mga oras na sinabi nyang maaari akong mamatay sa pagpasok sa klase niya ay tila ba nabasag ang kakarampot na tapang at lakas ng loob ko sa katawan.

Ayokong mamatay pero mas ayokong muling pumalaot ang mga magulang ko sa dagat at mamatay ng mahirap na lamang. Yung pakiramdam na alam mong maginhawa na ang magulang mo na nagpapakahirap sa araw-araw para may makain kami kinabukasan ang syang nagpapatatag na lang saakin ngayon.

Hindi ko maisip kung saan kami pupulutin kung nagkataon na bawiin nila ang mga ibinigay nila saamin.

Kinakailangan kong manahimik at tiisin ang takot na nararamdaman dahil ito na lang ang bagay na maaari kong gawin para sa pamilya ko.

Sa gitna ng pananahimik ko sa loob ng elevator ay bigla akong napabuntong hininga.
Sa mga sandaling iyon ay biglang lumabas sa loob ng backpack ko si Pearl at tumungtong sa ulo ko.

Sa pagkakataon na iyon ay kinausap niya ako at pinapakalma. Alam nito na labis akong natatakot at nangangamba sa mga oras na iyon kaya naman lumabas ito at sinasabi saakin na magtiwala sa kanya.

Tama, nandito ako dahil sa tapang na ibinibigay saakin ni Pearl, hindi niya ako pababayaan at nangakong ipagtaranggol sa lahat ng oras kaya wala akong dapat ikatakot.

Tumugon ako kay Pearl na may buong puso nang tanungin niya kung may pagtitiwala ba ako sa kanya bilang partner niya.

"Oo naman Pearl, naniniwala akong hindi mo ako pababayaan," nakangiti kong tugon.

Lumipas ang ilang minutong paglalakad ay narating ko na rin ang canteen bitbit si Pearl. Hindi ko alam kung bakit tila lahat ng estudyante na masasalubong ko ay napapatingin saakin. Hindi ako sigurado kung dahil na yun sa may bitbit akong malaking perlas o baka dahil parin sa mga usap-usapan na isa akong basagulerang dalaga.

Ang gusaling pinasok ko ay nagsisilbing canteen ng eskwelahan. Mas malaki pa sa basketball court ang lugar na kinakainan ng mga estudyante at ang nakakamangha sa lugar na ito ay maroon itong hardin sa gitna.

Ang man-made garden na ito ay tinatawag na "Evergarden" at espesyal itong ginawa para lang sa mga miyembro ng Elite.

Hindi ko alam kung bakit kinakailangan pang gumawa ng ganitong lugar ang eskwelahan para ibukod ang mga miyembro ng Elite sa ibang estudyante tuwing kakain sila.

Kitang-kita mo kung gaano ka espesyal ang trato nila sa mga nagiging miyembro nito magmula sa tinitirahang dorm hanggang sa pagpasok nito sa eskwelahan.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now