Chapter 10 "Alexis" Part 2

362 26 15
                                    


Lumipas ang ilang oras pagkatapos ng kanilang klase ay muling nagbreak time ang Elite sa canteen at kagaya nung una ay nagwatak-watak ulit ang mga ito upang pumunta sa mga sari-sarili nilang tambayan.

Hindi naman bumaba si Philia sa Evergarden upang kumain dahil na rin sa ayaw niya ng atensyon mula sa ibang estudyante dahil nakakatiyak ang dalaga na lalo syang pag-uusapan dahil sa ginawa niya.

Hindi rin niya kayang kumilos pa dahil pinatapos sa kanya ni Devora ang sampung ikot na pagtakbo sa buong stadium kaya nanlalambot ito sa pagod.

Sa mga sandaling iyon ay nakasandal lang siya sa bench habang nakatingala at nakapikit.
Napakatahimik at payapa ang lugar. At dahil nga ginawa iyon na may iba't ibang stage ay napupuno ito ng mga puno at halaman na para lang silang nasa totoong kabundukan.

Dahil sa pagod ay hindi na napansin ni Philia ang paligid niya at ang paglapit ng binatang si Alexis sa Bench na kinauupuan niya sa mga sandaling iyon.

ALEXIS' POV.

Hindi ako napalagay sa mga nangyari kanina at alam ko na kinakabahan ngayon ang dalagang yun sa pagbabanta ni Cana kaya naman hinanap ko siya sa buong stadium na pinagtakbuhan niya.

Ilang sandali pa ay nakita ko ito sa isang bench na nakapwesto sa ilalim ng puno na ginagamit ng mga guro upang magmasid.

Nakikita ko na nahihirapan siya sa pinapagawa ni ma'am Devora pero normal lang ito dahil hindi siya gumagamit ng spirit energy para palakasin ang katawan niya at patibayin.

Nagpapatunay ito na hindi siya isang spirit artisan at dahil doon naaawa ako sa kanyang kalagayan.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil mismong ang ama ko ang nagpasok sa isang normal na tao sa isang military school na para lang sa mga taong biniyayaan at may kakayahan manikulahin ang enerhiya sa katawan.

Nakokonsensya ako dahil nagiging hindi makatwiran si ama at dahil sa kanya ay nahihirapan ang katulad niya. Ang totoo hindi ko ugali na makielam at ang kailangan ko lang ay mag-aral at magsanay ng mabuti upang matupad ko ang gusto ng pamilya ko para saakin pero kapag naiisip ko na may naaagrabyado dahil sa mga desisyon nila ama ay pakiramdam ko kailangan kong pasanin ang responsibilidad sa magiging epekto nito.

Dahan dahan akong lumapit dito at umupo katabi nito. Pero mukhang dahil sa pagod ay hindi niya ako naramdaman man lang.

Hininitay ko na mapansin niya ako pero nanatili syang nakatingala habang nakapikit. Siguro tuluyan syang nakatulog sa bangko dahil sa pagod. Hindi ko alam kung gigisingin ko ito o hihintayin ko syang magising na lang para kausapin.

Napatitig na lang ako sa dalagang iyon habang natutulog ito at bigla kong naisip na ano ba ang gagawin ko kung sakaling magising siya at makita ako?

Hihingi ba ako ng tawad? Makikisimpatya?Palalakasin ang loob niya? Hindi ako sanay sa ganitong bagay basta ang alam ko lang ay may kailangan akong gawin para sa kanya.

Mahalaga ang magandang relasyon ko sa bawat Elite at dapat kong panatilihin na nasa panig ko sila hanggang sa huli pero nagiging kompkikado ito dahil sa pagkampi ko sa kanya.
Totoo naman na kailangan nyang maranasan ang mga bagay bagay bilang sundalo katulad namin pero kung susubukan nyang makipagsabayan sa ganyang kalagayan at kahinang resistensya ay tiyak mamamatay siya ng maaga dito.

Bumuntong hininga ako at nanahimik na lang habang nakaupo. Sawa na rin akong mag-isip at pumagitna sa dapat kong gawin bilang anak ng supreme commander at sa gusto kong gawin bilang makatwirang sundalo ng Guardian.

Hindi ko maunawaan kumg bakit palagi nila akong ikinukumpara sa aking ama at dahil doon kasabay ng galit nila sa pamamalakad nito ay hinuhusgahan nila ang bawat kilos at gagawin ko.

Hindi nila alam ang bigat ng pagiging supreme commander at kung ano ang isinasakripisyo ni ama upang mapanatiling ligtas ang mundo sa mga Celestial.
Gayunpaman gusto kong maging supreme commander hindi lang sa hinahangad na kapangyarihan ng Polaries kundi dahil alam ko na kaya ko maging mahusay na pinuno na mangangalaga sa mundo.

Napasandal ako sa upuan at tumingala rin para pagmasdan ang mga dahon ng puno at mga ibon na nag lalaro sa mga sanga nito. Napakapayapa ng lugar kaya hindi nakakapagtaka na nakatulog siya habang nagpapahinga.

Ilang sandali pa ay biglang ibinaba ni Philia ang ulo niya mula sa pagkatingala ngunit nanatili itong nakapikit.

"Ah.... miss Philia?"

Hindi siya tumugon sa pagtawag ko sa pangalan niya at ilang sandali pa ay biglang napasandal ang ulo nito sa balikat ko.

"Miss Philia, ayos ka lang?"

Hindi ito kumibo sa tanong ko at mahimbing na natutulog habang nakasandal sa akin. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin pero alam ko na napagod siya ng todo kaya naman hindi ko na lang sinubukan na istorbohin siya.

Inayos ko na lang ang ulo niya habang nakasandal sa balikat ko at hinayaan na matulog ito upang makapagpahinga.

Wala rin naman akong pwedeng sabihin sa kanya at alam kong hindi ko siya pwedeng basta kunsintihin sa pagiging mahina sa isang military school dahil lang may nararamdaman akong awa sa kanya.

Kung may dapat akong gawin para sa kanya ay siguro ay ang bantayan na lang siya.
Tama, mas mabuti na ito kesa sa wala akong gawin.

Sa mga oras na iyon ay bigla kong naisip kung bakit inililihim ni ama saamin ang tungkol sa kanya at ano ang pakinabang niya sa Guardian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa mga oras na iyon ay bigla kong naisip kung bakit inililihim ni ama saamin ang tungkol sa kanya at ano ang pakinabang niya sa Guardian. Ganun ba talaga kaespesyal ang babaeng ito?

"Hindi ko maintindihan si ama sa gusto nitong gawin pero gayunpaman ay gusto ko rin malaman kung totoong espesyal ka Philia."

ALEXIS' POV END.~

Habang nasa upuan ang dalawa ay kasalukuyan naman na naglalakad si Cana na tila may hinahanap. Ilang sandali pa ay napatago siya sa isang puno at unti-unting sumisilip dito.

Sa pagkakataon na iyon ay nakikita niya sila Alexis at Philia na magkasama habang nagpapahinga.

"Tsk, hindi ako makapaniwala na itutuloy niya parin na tulungan ang hampas-lupang iyon kahit na sinabi ko na masisira ang lahat ng pinagpaguran niya," bulong nito.

Halos bumaon ang mga kuko niya sa kamay dahil sa pang-gigigil at nararamdamang pagkairita.

Si Cana ay miyembro ng Polaries Alliance kung saan nabibilang ang higit isang daan sa mga pamilyang nagpapatakbo sa Guardian. Dahil na rin doon ay magkasama sila at magkapartner sa lahat ng military training.

Alam niya na malaki ang kailangang suporta ni Alexis bago maging susunod na supreme commander at dahil isa si Cana sa maswerteng nakapasok sa Elite ay pinaalalahanan siya ng alyansa na siguruhin ang katayuan at matibay na posisyon ng Polaries at mangyayari lang iyon kung maipagpapatuloy ni Alexis ang pamumuno ng kanilang pamilya sa boung Guardian.

"Binibigyan mo ako ng sakit ng ulo Alexis. Ako lang ang pwede mong asahan at paniwalaan para maging matagumpay," bulong nito.

"Hindi mo kailangan ng isang basura sa isang hardin ng mga bituwin," dagdag nito habang naguumapaw ang enerhiyang inilalabas ng katawan nito.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon