Chapter 31 part 1

56 6 2
                                    

Chapter 31 part 1

Sa gitna ng nagaganap na laban sa pagitan ng apat na Elite at ng bagong anyo ni Philia ay nagmamadaling tumatakas ang ibang myembro nito sa loob ng battle field.

Nagpatuloy ito hangang sa pakarating sa gitna ng gubat at maiwasan ang panganib na dulot ng pag atake sa kanila ni Philia para manalo sa laro.

Puno ng sugat at nanghihina ang iba sa kanila dahil sa naganap na labanan at isa naroon si Xiuan na ngayon ay akay akay ni Steve habang tumatakas.

" Hindi maaari ito, hindi pwede ang ganito."

Nagulat ang lahat ng bigla nyang hawiin si Steve at huminto sa paglundag nila.

" Ayoko sa nangyayari, hindi tayo pwedeng tumakbo na lang sa laban." Galit na sambit nito.

Dahil sa ginawa ni Xiuan ay nagbalikan ang mga kasamahan nya at pansamantalang tumigil sa pagtakas.

" Ano bang ginagawa mo? Kailangan natin makalayo pa sa kanya." Sambit ni Singre.

Galit na humiyaw ang binata sa mga kasama nito habang nagtatanong kung bakit nila kailangang tumakas sa gitna ng labanan.

" Ako dapat ang nagtatanong sainyo kung ano ang ginagawa nyo, Hindi tayo nandito para tumakas lang. Kailangan natin syang matalo sa laban." Sigaw nito.

Agad naman pinahinahon ni Steve ang kasama upang hindi na lumaki pa ang gulo. Alam din kasi ni Steve na masyadong nasaktan ang pride ni Xiuan sa naganap na laban kaya naman nauunawaan nya ang kagustuhan nito na makipaglaban pa.

" Alam ko ang sinasabi mo ngunit sa lagay natin ay mapapahamak lang tayo kung ipipilit natin na labanan sya ng harapan."

" Kaya ba mas pipiliin nating tumakas dahil wala tayong magagawa? Iniwan nyo ang mga kasama natin sa battlefield para iligtas ang mga sarili. Ito ba ang pagiging sundalo sainyo! " Galit na Sambit ng Binata.

Pero habang nag sa salita ay biglang sumabat sa pag uusap si Thalia at walang takot na binara ang binata.

" Ano ang gusto mong mangyari? Ang manatili doon at mamatay para lang masabing isa kang sundalo. "

Galit na nakatitig ang dalawa sa isa't isa habang unti unting nagkakatensyon sa grupo.

Para kay Xiuan hindi tama na iwanan nila ang mga kasamahan nila ng basta sa isang labanan at talikuran ang mga ito.

Ipinaliwanag nito na kung naniniwala ang lahat na hindi nila kaya ng magkakasama ang kalaban ay katumbas iyon ng pagtalikod sa buhay ng mga nagpaiwan upang lumaban.

" Ikaw, ikaw at ikaw, alam ko na bahagyang nakabawi na kayo ng lakas at enerhiya. Ganun na ba kayo kaduwag at makasarili para hayaan ang iba sa atin na lumaban."

Isa isang pinuna ni Xiuan ang mga kasamahan nya na tila inuna pang tumakas ang mga ito imbis na sumama sa laban.

Hindi tinatanggap ng binata ang mga pagdadahilan na kina kailangan na magsakripisyo upang masagip ang buhay ng iba gayung pare pareho silang mga sundalo at hindi mga sibilyan na walang mga kapangyarihan na lumaban.

Ang labanan ay sa pagitan ng Elite at ni Philia at sa pananaw at paraan ng binata biglang mandirigma ay hindi nararapat at walang kabuluhan ang pagtakbo nila.

" Hindi tayo nandito para tumakas lang para makaligtas. Lumalaban ang Elite sa isang malakas na kalaban nang magkakasama at kung manalo o matatalo tayo sa laban ay magkakasama dapat natin tanggapin iyon."

" Doon sa battlefield at hindi sa pagtakas natin na nangangahulugan na sumusuko na tayo sa laban. " Dagdag nito.

Sa gitna ng paglalabas ng sama ng loob ni Xiuan ay biglang lumapit si Alexis at bigla itong sinuntok na nagpatumba sa binata.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaOnde histórias criam vida. Descubra agora