Chapter 18 "Ang pagsisimula" Part 2

89 8 0
                                    


Chapter 18 part 2


" Ang pagsisimula "


PHILIA.S POV

Lumipas lang ng isang minuto pagtapos naming lamunin ng liwanag dulot ng isa trasportation spell ay napunta kami sa isang lugar.

Hindi ko sigurado kung nasaan ako, napapaligiran kami ng mga punong kahoy habang nakatapak sa maliliit na damo sa lupa.

Maaamoy ang presko at malamig na hangin sa paligid kasabay ang malumanay na pagkanta ng mga ibon na naglalaro sa mga itaas ng puno.

Kung titignan ko mabuti ang paligid namin ay masasabi kong nasa gitna kami ng kagubatan.

Ito na siguro ang isla na sinasabi nilang pinag ganapan ng pagsusulit nila noon.

Kinakabahan ako at lalo kong nararamdaman ang pressure sa pagkuha ng pagsusulit. Nagsimula na ang kinatatakutan ko noon pa at hindi ko na maiiwasan pa.

Ang makipaglaban, ito na ang sandaling kailangan ko ng maging matapang ngunit ano ba ang ibigsabihin ng pagiging matapang?

Napayakap na lang ako nang mahigpit kay pearl habang ang pangangatog ng mga kamay. Ilang beses ko ng napag desisyunan na itutuloy ito at marami akong ginawa upang maging handa ako sa ganitong bagay ngunit iba parin kapag nandito ka na.

Hindi ko maiwasang kabahan at matakot sa mga bagay na pwedeng mangyari saakin, Kumakabog ang dibdib ko na halos wala na akong ibang naririnig kundi ang umeekong tunog dulot ng kaba ko.

" Huminahon ka philia, kaya mo yan." Bulong ko sa sarili ko.

Habang nababalot ako ng matinding kaba at napapraning sa takot ay biglang may humawak sa balikat ko.

"Wag kang matakot, magiging maayos ang lahat." Sambit ni Akihiko.

Inilagay nito ang kamay nya sa balikat ko na nagpagulat saakin. Napaka init ng mga kamay nya habang malumanay na pinapakalna ako gamit ang mahinahong boses na syang nagpawala ng kaba ko nang biglaan.

Nabaling ang boung atensyon ko sa kanya lalo na sa napakaamo nitong mukha habang nakangiti ito sa harap ko. Hindi ko maunawaan pero parang nagliliwanag sya sa paningin ko habang nagniningning ang paligid.

Kumakabog nang malakas ang dibdib ko pero hindi ito katulad nang pagkapraning ko dahil sa takot kundi dahil sa pagkahumaling ko sa kagwapuhan ng lalaking ito.

Sa ilang iglap lang ay nawala ang mga negatibong bagay na naiisip ko at napalitan ng pagkataranta dahil sa lapit ng mukha nya saakin.

Sa gitna ng pag papantasya ko sa napakagandang eksenang iyon ay biglang may humawak sa kamay ni Akihiko at hinawi paalis sa balikat ko.

" Hindi, hindi magiging ok ang lahat lalo na kung makiki elam ka." Sambit ni Thalia.

Para bang naglaho ang nangniningning na paligid namin dulot ng malaromantikong eksenang iyon sa pagitan namin ng gwapong hapon na si Akihiko dahil sa pag eksena ni Thalia.

Hindi ko alam kung bakit iyon ginawa ni Thalia pero bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya sa kanya.

" Ano bang ginagawa mo? " Bulong ko.

" Tinutulungan ka at ang bawat isa sa pagsusulit na ito. " Sambit nya habang hinihila ang kamay ko.

" huh? Hindi ko maintindihan pero sa tingin ko hindi ganun ang ginagawa mo." Sambit ko dito.

Wala akong ideya sa sinasabi ni Thalia at dahil nanghihinayang parin ako sa pagkakataon na makausap si Akihiko ng mas matagal.

" Hindi naman ako nagpapatulong sa kanya at siguro naman pwede ko syang kausapin."

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon