Chapter 11 part 1

119 9 0
                                    


CHAPTER 11 PART 1

Sa tabing ilog sa gilid ng isla na kinaroroonan ng base militar ng Guardian ay kasalukuyang magkasama sina Xiuan at Akihiko upang maglinis ng mga inaanod na kalat .

Ang ginagawang aktibidad na ito ng dalawa ay parte parin ng kanilang parusa dahil sa paglabag nila sa alituntunin sa loob ng eskwelahan.

Sa ikalawang araw ng mga ito sa pagbuno ng community service ay tinoka sila magsama sa gitna ng kagubatan na ilang kilometro lang mula sa eskwelahan.

Gayumpaman, kahit na magkasama bitbit ang mga basket sa likuran nila ay hindi sila nagpapansinan at tila magkagalit pa rin kahit na nagkaroon na sila ng kasunduan sa harap ng official ng eskwelahan na iwasan ang pag aaway sa grupo ng Elite.

Nagpatuloy ang kanilang paglilinis sa gilid ng ilog hanggang sa maabot nila ang masukal na parte ng kagubatan.

Wala kang maririnig sa lugar kundi ang mga ibat ibang huni ng ibon na tila ba umaawit na sinasabayan ng malumanay na pagdaloy ng tubig.

Isang nakakakalmang mga tunog na karaniwang naririnig sa kagubatan ngunit sa kabila nito ay hindi naging maganda ang mood ng binatang si Xiuan habang naroon ito sa lugar.

Natural kay Xiuan ang maging masigasig at perpekto sa mga ginagawa kaya naman hindi nito maiwasang mairita sa tuwing may hindi dinadampot na kalat si Akihiko.

Pinipilit na lang ni Xiuan na maging kalmado at iniiwasan na komprontahin ang binata dahil aminado syang mainitin ang ulo nya at nagdesisyon na lang na hindi ito imikin upang sa ganun ay maiwasan nya na makipag away ulit dito sa oras na masita nya ito.

" Huminahon ka Xiuan, Malalagot ka nanaman kapag nakipag away ka sa mokong na hapon na yan." Bulong nito sa sarili.

Imbis na pagsabihan ay lumapit na lang si Xiuan sa mga kalat na hindi dinampot ng kasama at kinuha ito ng tahimik.

Ilang saglit pa ay muling iniwan ni Akihiko ang isa pang dahon na tila hindi ito nakikita.

" Teka nang aasar ba itong lokong ito? "

Muli nyang nilapitan at dinampot ang dahon na halos daanan lang ni Akihiko.

Ilang saglit pa ay napansin nya na huminto sa pagdadampot ng kalat si akihiko at ibinaba ang malaking basket sa likod nya .

Sa pagkakataon na iyon ay biglang kinuha ni Akihiko ang mga dahon na nasa loob nito at itinapon ito sa tubig ng ilog na siyang dapat nililinis nila.

Dahil sa ginawa ni Akihiko ay sumabog na sa galit si Xiuan at hindi na pinalagpas ang pagkakalat ng kasama.

" Hoy!! sumusobra ka na, kanina pa ako nagtitimpi sa ginagawa mong kalokohan" sigaw nito

" Huh? " Tugon nito na may pagtataka.

Nagulat si Akihiko sa pagsigaw ni Xiuan sa kanya at tila walang kamuwang muwang sa kinagagalit nito sa kanya.

" Hindi ako makapaniwala na nagtitiis akong makasama ka dito. Napapagod na akong magpulot ng kalat habang ikaw basta na lang nagkakalat!"

Sa gitna ng pagmamaktol ni Xiuan ay napapangiti na lang si Akihiko dito at humihingi ng pasensya sa kanyang ginawa.

" Pasensya na pero hindi naman kasama sa basura ang dahon na ito sa dapat natin pulutin. " Sagot nito.

Hindi malaman ng binata kung seryoso ito sa sinabi nito sa kanya gayung magdamag na silang nagpupulot ng dahon.

Gayumpaman ay hindi tinanggap ni Xiuan ang sinabi nito sa kanya at ipinilit na kailangan nilang malinis ang gilid ng isla upang makauwi agad ngayong araw.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now