Chapter 19 "Black Lotus of Britain" Part 1

87 5 4
                                    


CHAPTER 19 Part 1


" Black Lotus of Britain. "


Ilang minuto pa lang pagtapos nilang lumapag sa isla nang pagkukuhaan nang grupo ng pagsusulit ay nagkaroon agad ng komusyon ang klase nang hindi magustuhan ni Xiuan ang uri ng pagsusulit na ibinigay at ang kawalan ng kakayahan ng iba sa kanila na makatulong.

Sa gitna ng pagtatalo na iyon ay nagbigay sya ng pagpipilian sa amerikanong si Alexis na magdesisyong isuko ang tatlong kasama na iniisip nyang magiging pabigat sa grupo upang magawang manalo sa pagsusulit.

Dahil sa pagiging matinik at maagap nito ay naisip nito na hindi kayang makasabay sa pagtakbo ang ilan sa kagrupo nya lalo na ang bulag na briton na si brigette at ang batang babaeng si Talifa.

Nangangamba ito na mapabagal ng mga kasama ang paglayo kung sakaling hindi nila kayanin ang mga kalaban sa pakikipaglaban kaya naman kahit na masyadong mabigat sa loob ito para sa iba ay hinihingi nitong sumuko agad sa pagsusulit kahit hindi pa nag uumpisa ang paghabol ng mga halimaw.

Hindi rin nakaligtas ang dalagang si Philia sa mga pagpuna nya na nakikitaan nya ng pinakamalaking hadlang sa ikatatagumpay ng grupo dahil sa atensyon na handang ibigay ng mga kasama nya na sa kanya upang sagipin lang ito.

Hindi makatingin ng deretso si Alexis upang harapin sila dahil maging sya ay nahihirapan magdesisyon kung papayag sya o hindi sa mga sinasabi ni Xiuan.

Bilang representative ng Elite class ay sya ang tumatayong pinuno ng grupo at malaki ang pananagutan ng kanyang mga desisyon sa oras na ito.

Dahil sa alanganing sitwasyon ay biglang sumabat ang binatang si Soumin upang salungatin ang mga sinabi ni Xiuan.

" Nakukuha namin ang punto mo ngunit wala parin tayong kasiguraduhan kung kakayanin ba natin na makipaglaban sa mga ito kahit na mawala sila sa grupo."

" Kung tutuusin mas lalaki ang tyansa natin manalo kung mas marami tayong poprotekta sa isat isa." Sambit ni Soumin.

Ipinunto ng koreanong si Soumin na hindi isang simpleng bagay ang nais nyang ipagawa at hindi lang basta basta kung sino lang ang mga ito upang maliitin ang mga kakayahan nito base lang sa panlabas na nakikita sa mga ito.

Gustong ipaunawa ng binata na hindi magiging Elite bawat isa sa kanika kung hindi sila espesyal at mga henyo. Ang pag hawak sa mga alanganing sitwasyon ay kasama sa pagsusulit na dapat hinaharap ng lahat at hindi takasan.

Humakbang si Xiuan palapit kay Soumin para komprontahin ito at patigilin sa pagkontra sa sinasabi nya.

Inasaahan nya na magsasalita ito lalo pa ang isa sa mga pwedeng mawala sa grupo ay ang partner nito na si Brigette.

" Kung sabagay malaking kawalan sayo kung maaalis ang bulag na yun sa grupo dahil sa kayo ang magkapartner ngunit isipin mo ito."

" Hindi lang ang pakikipaglaban ang ginagawa sa isang survival training. Wag mong sabihin talagang papayag kang maging taga buhat ng bulag na yan habang nasa pagsusulit tayo? "

Dito ay ipinaintindi ni Xiuan na imbis na makatulong si Soumin sa grupo ay magiging limitado ang magagawa nito lalo pa't kung bitbit nya sa pagtakas si Brigette.

Alam ng lahat na hindi epektibo si Brigette pagdating sa mga takbuhan at pagkilos ng mabilis dahil sa kondisyon nito kaya naman muling kinukumbinsi ni Xiuan na hayaan na lang na mawala ito sa grupo.


" Lahat tayo kinakailangan makapasa at dapat lang makapasa." Pag didiin ni Xiuan. 


LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum