Chapter 12 part 2

89 5 1
                                    

Chapter 12 part 2


Ilang sandali pa ay tinipon sila ni Devora para ipaliwanag ang gagawin nilang pagsasanay

Pinapwesto niya ito ayon sa dating listahan ng magkakapartner.

Kasama na rito sila Xiuan at Akihiko na humabol sa pang hapon na klase.

Binasa at tinawag nya ang mga pangalan na nasa listahan at pinag sama sama sa pila.

Xiuan-Steve

Alexis- Cana

Akihiko- Taifa

Maya - Thalia

Inoseo-Singre

Brigette - Soumin

Dahil nga sa walang kapartner si Philia ay napuna agad sya ni maya at inaasar.

" Mag isa ka nanaman Philia ,hindi ka ba nalulungkot? "

"Wala naman akong magagawa."

"Hindi kaya isa itong senyales na tatanda kang dalaga?" Pagbibiro nito.

" A-an-ano? S-saan mo naman nakuha yang ideyang yan."

Biglang binatukan ni Thalia si Maya upang patigilin sa pagsasalita at makinig sa sinasabi ng Guro.

"Tumigil ka sa kalokohan mo."

Dahil sa walang partner si Philia ay ipinalipat sya sa tabi ni Devora at pinakilala sa lahat bilang espesyal na estudyante na dapat inuunawa ng lahat lalo na pagdating sa mga battle exam.

Ipinaalam nya ang kondisyon ng dalaga bilang may pinaka mababang grado at nahuhuli sa mga leksyon.

" Hindi tulad nyo ay hindi natural kay Philia na kontrolin ang sariling enerhiya, katulad lang sya ng maraming tao sa mundo."

"Alam kong nahihirapan kayong tanggapin na mayroong katulad nya sa inyong klase at nauunawaan ko kung magagalit kayo sa atensyon na binibigay ko kay Philia ngunit ito ang nararapat na gawin."

Muli nyang pinaalala na kahit may ilang pagkakataon na nauuna nyang bigyan ng atensyon ang dalaga ay hindi nya pinapabayaan ang buong klase.

Walang imik ang mga estudyante nya ngunit batid nya na hindi ito sumasang ayon sa paki usap nya na magparaya at pagbigyan si Philia.

" Alam ko na nasanay kayo na palaging inuuna at nabibigyan ng maraming prebilehiyo bilang mga prodigy ngunit ibahin nyo ang klase ko sa dati nyong mga eskwelahan."

"Tinuturuan ko kayo base sa mga bagay na hindi nyo pa alam at hindi lang ito tungkol sa kakayahan nyo sa pakikipaglaban."

Itinuro nya si Alexis upang tanungin sa mga nalalaman nitong mga tungkulin ng guardian.

" Ang una ay protektahan ang mundo laban sa mga panganib,Pangalawa ay Bantayan ang kaligtasan ng bawat tao sa mundo at ang pangatlo ay wasakin ang mga celestial."

Pagkatapos nito ay itinuro ni devora si maya para sagutin ang itatanong nya.

"Kung magkakaroon ng trahedya kung saan kailangan nyong pumili sa pagitan ng inyong pamilya at sa buhay ng mga tao ay ano ang pipiliin mo?." Tanong nito.

Nagulat si Maya sa itinanong nito at bahagyang napakamot sa ulo.

" Ah.. Eh .. Nakadepende ito sa utos ng nakakataas dahil bilang sundalo ay sumusunod lang tayo sa ano ang iuutos ng nakakataas. "

" Ang misyon ng sundalo ay sumunod lang sa utos."

Sa pagkakataon na iyon ay ipinaliwanag ni Devora na hindi basta isang sundalo ang Elite dahil balang araw ay sila ang mga magiging batas na sinasabi nyang nakakataas na dapat sundin ng maraming sundalo.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora