Chapter 27"Star Blast Cana "Part 1

80 4 7
                                    


Chapter 27 part 1


" Star Blast Cana "


Cana POV.

Ang mapasama sa isang kilalang pamilya ng mga Spirit artisan sa buong mundo ay hindi madali.

Bata pa lang ako ay namulat na ako sa mga pakikipaglaban at mahihirap na pagsasanay na binibigay ng mga magulang ko.

Walang anak na lalaki ang aking mga magulang kaya naman kahit isa akong babae ay sinubukan nila akong hubugin katulad nila upang sa ganun maging tagapag mana nila balang araw.

Sa murang edad ay marami na akong pinagdaanang hirap lalo na noong namuhay ako sa kabundukan na pinagtapunan saakin ng pamilya ko.

Isinama ako sa grupo ng mga mangangaso sa isang tribo upang matuto sa buhay at maging matatag na mandirigma. naturuan ako doon ng ibat ibang istilo ng pakikipaglaban at pang huhuli ng mababangis na hayop.

Ang pinaka importante nilang naituro saakin ay ang maging maabilidad upang mabuhay mag isa sa malupit na buhay sa kagubatan. Tama dahil sa lugar na iyon ay walang magbibigay sayo ng mga bagay na gusto mo.

Lahat ng bagay doon ay pinagsisikapan at pinaghihirapan maging pagkain o tubig kahit ang iyong kaligtasan ay kailangan mong ipagtanggol at paghirapan makuha. Walang ibang tutulong sayo at pwede mong asahan kundi ang sarili mo lang.

Sa edad na pitong taon ay naranasan ko na pumatay ng mga oso at mabangis na lobo gamit lang ang mga istilo na tinuturo saakin. Hindi ko na noon mabilang kung ilang beses na nanganib ang buhay ko at ilang beses na akong nakikipagpatintero kay kamatayan.

Nasubukan ko narin mag agaw buhay habang gumagapang patakas para iligtas ang sarili ko sa mga mababangis na hayop na humahabol saakin.

Lumaki ako na humaharap sa panganib para mabuhay at hindi ko alam noon kung bakit ganun ang kinalalagyan kong sitwasyon sa gitna ng katotohanan na nagmula ako sa mayaman at prominenteng pamilya.

Malinaw sa isip ko ang mga alaala ng pagkabata ko kung saan nakatira ako sa masyon na pinagsisilbihan ng mga napakaraming katulong at lahat ng gusto ko ay binibigay nila noon kaya nga nagtataka ako kung bakit kailangan kong pagdaanan ito.

Tiniis ko tumira sa maliit na kubo sa nagyeyelong lugar na iyon tuwing taglamig at napaka init na panahon tuwing tag init.

Gutom, pagod at panganib yan ang bagay na araw araw na tinitiis ko para lang manatiling buhay sa bundok at walang ibang tumulong saakin kahit na sino sa pamilya ko.

Hinarap ko ito at kinaya ng halos limang taon hanggang sa muli akong balikan ng mga tauhan ng pamilya ko dahil sa naging matagumpay ako sa binigay saaking pag subok bilang myembro ng pamilya Red leaf.

Pagkatapos nila akong muling pauwiin saamin ay pinag aral nila ako sa ibat ibang eskwelahan upang matuto pa at hindi nagtagal ay iniharap ako sa ibat ibang tao upang ipakilala.

Kahit naka balik na ako sa pamilya ko ay tila nananatili akong malayo sa kanila dahil pareho lang ang pakiki tungo ng pamilya ko saakin.

Pinapapasok nila ako sa mga training program, inuutusan at pinaaalalahanan tungkol sa mga responsibilidad ko bilang isang tagapagmana.

Hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila saakin bilang pamilya kundi isang kagamitan na kanilang pakikinabangan at hinahasa para manatilii ang lakas at impluwensya ng angkan.

Nakakasawa at nakaka iritang isipin na kailangan kong gawin ito para sa kanila, nagpapakahirap ako para sa ikapapanatag nang kalooban ng mga matatandang yun na wala ng bukang bibig kundi ang kanilang katayuan at karangalan.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now